The Good Nerd Turns Into Maldita

174 5 5
                                    

Mahirap mag-mahal kapag pangit ka.

Mahirap mag-mahal lalo na kapag sa isang PLAYBOY ka pa nagka-gusto.

Mahirap mag-mahal lalo na kapag hindi ka mahal ng mahal mo.

Mahirap mag move-on lalo na kapag yung MAHAL MO ay yung taong MAG-PAPAHIYA SAYO!

Mahirap mag move-on lalo na kapag pinag-pustahan ka lang pala.

Mahirap mag move-on lalo na kapag pinaasa ka.

Mahirap mag move-on lalo na kapag pinahiya ka sa maraming tao.

Mahirap mag move-on kapag patuloy mong sinasabi na "Mahal ko parin sya."

Mahirap mag-bago kapag naka-gawian na.

Mahirap mag-bago kapag HINDI KA PA NAKAKA MOVE-ON.

Mahirap mag-bago kapag patuloy mong sinasabi na "Hindi ko kaya."

EH TANGA LANG?

Kung mag-mamahal ka sa pogi, SIGURADUHIN MONG... MAGANDA KA! ... Ang pangit namang match kapag pangit ka tapos pogi boyfriend mo?! Imaginin mo nga! Oh sa tingin mo, MAGANDA BANG TINGNAN?

Kung mag-mamahal ka, siguraduhin mong wag sa isang playboy! GAGA KA PALA EH!? ... ALAM MO NANG PLAYBOY, PAPATULAN MO PA! ... Kung ayaw mong maiwan at masaktan, ikaw na ang mag-adjust! Jusko! ANG DAMI PANG LALAKI DYAN! (Yun nga lang, halos lahat ng pogi, pandak. Pero di lahat!)

Kung hindi ka mahal ng mahal mo, EDI WAG MO DING MAHALIN! PROBLEMA?
MASASAKTAN KA LANG!

Kung yung taong mahal mo, ay yung taong nag-pahiya sayo, EDI IPAHIYA MO DIN! Basic!

Kung ang taong mahal mo ay pinag-pustahan ka lang pala? Hindi ka manok! Sabihin mo sa kanya na bago ka nya lokohin, alamin nya muna kung kelan mo sya sineryoso. Oh diba?

Try mong pag-pustahan din sya para masaya!

Kung ang taong mahal mo ay pinaasa ka, gumawa ka nang pangako sa kanya na ikasasaya nya at PAASAHIN MO!

Kung ipinahiya ka nya sa maraming tao, edi ipahiya mo din sa maraming tao para masaya! REVENGE IS A MUST!

Duh? Natural mahirap mag-mahal kapag paulit-ulit mong sinasabi na "Mahal ko parin sya"

Isa pa. Sabay-sabay tayo!

EH TANGA LANG!?

Di ka nga mahal diba?! Tapos mamahalin mo pa din? Ano paulit-ulit tayo dito?

Alam kong mahirap mag-bago kapag nakagawian mo na. Hindi ako tanga! Dati lang! Pero I'll tell you what... you need to get out of your comfort zone. Hindi ka na bata!

OO, mahiral mag-bago kapag hindi ka pa nakaka move-on. But I'll teach you.
Tutulungan kitang mag move-on! Swerte ka, MEDYO mabait ako.

Mahirap talaga mag move-on kapag sinasabi mong hindi mo kaya!

Isa pa nga!

EH TANGA LANG?!

Kayanin mo! Kinaya nga ng iba eh!

Hindi mo talaga magagawa kung yan ang pinaniniwalaan mo. Usong mag-try!

kaya nga may motto na "Try and try until you die."

Kung hindi mo talaga makaya, mag pakamatay ka nalang! Kung gusto mong matulad sa ibang poorita. Nagpapakamatay ng kusa!

Ang mayayaman, namamatay sa disease. Hindi suicide. Ang pangit tingnan!

Oh diba? Ang galing ng convincing powers ko!

Take it from me! NARANASAN KO NA YAN!

Sinasabi ko sayo, mahirap man mag move-on, dapat kayanin mo. You must do everything for revenge. Kahit anong hirap pa yan, basta ang importante, makaganti ka! Oh diba? Sasaya ka pa! Nice nice.

Kung aalis ka na, tandaan mo... hinding hindi na babalik sayo ang ex mo. Kasi hindi ka naman talaga nya minahal! *smirk*

■■■
To be Continued...

________________________________________

This book or parts thereof may not be reproduced in any form, stored in any retrieval system, or transmitted in any form by means—electronic, mechanical, photocopy, recording, or otherwise—without prior written permission to the publisher.

PLAGIARISM IS A CRIME.

All rights reserved ©2018

The Good Nerd Turns Into Maldita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon