Chapter 1

28 1 0
                                    

Malungkot ang ngiting gumuhit sa labi ni quincy matapos batiin ng DJ sa radyo ang mga birthday celebrants nung araw na iyon ..

"Happy Birthday? No, It's Not..." sabi niya , She stared at the calendar and sighed. Nasa dibdib na naman niya ang Emptiness and she could not just ignore it. May kulang sa buhay niya at alam niya kung ano yun ........ Hindi pala ano kundi "Sino" ...

Si Travice ang kulang na iyon. Ang lalaking kapag kasama niya ay buo siya pero sa mga panahong tulad ngayon na wala ito , parang may isang bahagi ng pagkatao niya ang hindi kailanman sasaya ..

12 years old pa lang siya ay si Travice na ang naging kapamilya niya. Hindi niya ito kamag-anak, Pero ginampanan ni travice ang pagiging isang tunay na pamilya para dito ..

Napatingin siya sa pintuan ..

"Goodness Quincy! Alas siete pa ang pasok mo, hindi ba? It's nine thirty! Sleepyhead" Nag echo sa isip niya ang boses na iyon. Since High School siya hanggang college ay madalas mangyari ang ganitong eksena , Na umabot pa sa pag wiwisik ng tubig sa mukha dahil napaka hirap talaga niyang gsingin ..

Kumilos siya at pumunta sa drawer , Kinuha niya mula don ang sulat mula kay Travice ..

My Little Quincy,

                Alam kong magugulat ka kapag nabasa mo ito. Talagang sinadya kong wag na magpaalam sayo dahil sigurado akong luha ang ipapa baon mo sakin. And you know i hate tears especially from you.

Gagraduate ka na sweetheart , Kaya mo nang mabuhay nang wala ako. I guess, it's time for me to move out.. Go and reach for your dreams. Alam kong kayang kaya mong harapin ang kahit ano. Matapang ata ang baby ko noon pa. Kung kailangan mo pa rin ang tulong ko , Just give me a call, Okay? Tatawagan kita pag dating na pagdating ko sa L.A .. Take Care

                                                                            Travice

Biglang pinahid ni quincy ang luha , Isang taon na ang lumipas pero anjan pa din ang pangungulila nararamdaman niya para sa binata .. At hindi iyon mabubura ng mahabang panahon .. She missed him so much ..

Bigla niyang naisip ang Nakaraan ....

(FlashBack)

Nabitawan ni quincy ang baso matapos mapanood ang balita sa TV .. Lumubog ang barkong sinasakyan ng magulang niya at kasama ang pangalan nito sa mga pasaherong nasawi .. Papunta sana sa reunion sa Cebu ang mga magulang niya .. At dahil nataon na exam nila kaya hindi na lang siya sumama , ipinagbilin na lamang siya sa mabait nilang kapitbahay na si travice ..

"Quincy?" sabi ng nag-aalalang si travice .. Sa itsura nito ay mahahalatang may alam na din siya sa nangyaring trahedya .. Mabilis siyang lumapit kay quincy at niyakap ito ng mahigpit .. Sunod-sunod ang pag hikbi ng dalagita .. Maya maya ay nawalan ito ng malay ..

Hanggang magkamalay ito ay nalilito padin siya nasa isang sulok lang siya at umiiyak ..

Nag-iisang anak ang papa niya at patay na din ang mga magulang nito . sa mama naman niya ay ni isa wala siyang kakilala na kamag anak dito ..

Si travice na lang ang maituturing niyang pamilya , Nasa states ang ama nito na isang doktor at ang kapatid naman ay nurse .. Namumuhay lang itong mag-isa sa pilipinas...

"Wala na si Mama at Papa kuya Travice . Paano na ako ngayon?"

Mas humigpit ang yakap ni travice sa kanya "Sssh I'll take care of you, Sweetheart. Akong bahala sayo. I promise" Sabay halik sa noo ng dalagita..

Gumaan ang pakiramdam ni quincy pero biglang napawi yon dahil naalala niya na susunod pala si travice sa ama sa states ..

"P-pero lilipat ka din ng states. Iiwan mo din ako"

I can't live without you (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon