♡ Chapter 2

8 1 0
                                    


Alas singko pa lang ay nagising na ako at ginawa ang mga dapat gawin.

Ngunit mas pinag tuunan ko ng pansin ang aking sarili.
Naka tingin ako sa salamin at pinag mamasdan ang mga katangiang mayroon ako.

Mahaba na ang maalon ko'ng buhok, ang mapusyaw na balat ay di na 'sing puti ng dati dahil mas gusto ko ito ng ganito. Ang natural na pula ng aking labi at ang bilogang mata na dinedepina ng mahahabang pilik mata.

Matangos din ang aking ilong dahil lamang ang dugong espanyol na  nananalaytay sa aking ama.

Paano kaya kung patay na ako?

Matapos ko'ng suklayin ito ay hinayaan ko na lamang na naka lugay, tutal at basa pa naman ito.

Tatlong katok ang aking narinig  sa pinto at agad na nag salita ang kung sino'ng kumatok.
"Hija ibababa ko na ang mga bagahe mo, at mamaya maya lang ay aalis na tayo"

Agad ko siyang pinapasok nang marinig ang boses nya.
Si Mang boning ang driver ng aming sasakyan.

Kinuha niya ang dalawa'ng malalaking maleta at agad na ibinaba ito.

Pinag masdan ko ang aking buong silid sa huling pag kakataon atsaka bumaba at makapag almusal bago kami umalis.

"Blessila, mag almusal kana at alas sais na.." 
Tumango ako kay aling fely at dumiretso kung nasaan ang aming dining room.

Hindi ko maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko ngayon..halong kinakabahan at masaya.

Dahil sabi sa akin ni ina, ay ang bagong barko daw ang aming sasakyan at halos isang taon ito ginawa bago natapos.

Samantalang kinakabahan ako dahil sa kung ano-anong bagay na pumapasok sa isip ko.

Hindi naman ito ang unang beses na makakasakay ako ng barko, ngunit may kakaiba talaga.

Nadatnan ko'ng may kausap si ama sa hapag, at kung hindi ako nag kakamali ay siya ang alkalde ng aming lugar.

"Oh anak, Magandang Umaga, narito ang Alkalde Avellana kasabay natin siyang mag tutungo sa Paris, pati na ang anak niya'ng si Sergio ngunit nauna na ito sa pantalan upang makita ang barko pati na ang mga kwarto'ng inupahan.. "

"Magandang umaga hija"
Tumungo ito at ngumiti sa akin.

Tumungo din ako at nag bigay galang sa alkalde ng aming bayan.
"Magandang umaga po"

Nasa kalagitnaan na siya ng kaniyang termino sa pagiging alkalde at masasabi ko'ng matagal na sila'ng magkaibigan ng aking ama.

Inaalok pa nga niya ang pagiging kanang kamay sa aking ama, dahil nakikitaan daw niya ito ng potensiyal sa pamamalakad.

Ngunit tinanggihan niya ito.

Kasama pala niya ang kaniyang kaisa-isang anak na si Sergio Avellana.
Na noon pa man ay may pag tingin na sa akin, ngunit kaibigan lamang ang turing ko sa kaniya.
At hindi na mag babago iyon.

Gwapo siya, mabait..nakakatuwa, sa katunayan mayroon'g mga babaeng nagkakagusto sa kaniya, ngunit itinataboy niya dahil sa akin..ako lang daw ang babaeng pinaka maganda sa paningin niya.

Napairap nalang ako ng maalala ang sinabi niyang iyon.

Ang babaeng nag ngangalang Rosette, ay isa sa mga babaeng may gusto sa kaniya na sa tingin ko'y makakasalamuha namin sa barko mamaya dahil anak siya ng kapitan.

Malaki ang galit niya sa akin kahit na wala naman ako'ng ginagawa..

hindi ko naman kasalanang higit na mas maganda ako kaysa sa kaniya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love is warTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon