♡ Chapter 1 - (Dec 29 1940)

11 1 0
                                    


Mga pag sabog, sigawan at mga naka handusay na katawan ng tao ang nasa buong paligid.

Makapal ang usok sanhi ng pag ka sunog ng ilang mga bahay.

Habol habol ko ang aking hininga ng mapabalikwas sa isang masama'ng panaginip

Sinasabi ko na nga ba't hindi ko na lamang dapat binasa ang aklat na nag lalaman ng mga pangyayari noong unang digmaang pandaigdig o world war. Noong 1917 sa mga makapangyarihang bansa tulad ng briton at mga bansang nasa hilaga't timog amerika.
Hayan at hanggang panaginip ay nakikita ko.

"Pablo sinasabi ko sa iyo, ako ang pupunta sa guagua upang sunduin sina mama't papa"

Kahit na narito ako sa aking kwarto'y dinig ko ang pag sasagutan ng aking mga magulang
Ano ba ang pinag aawayan nila?

"Mahal delikado nga't makakaabot na doon ang mga hapon, kaya nga't hintayin mo ako't sasamahan kita"

Isang negosyante ang aking ama, may ari siya ng isa sa pinaka malaking grocery store dito sa maynila, samantalang ang aking ina'y taga pag mana ng mga ari-arian ng kaniyang mga magulang na nasa guagua pampanga, na kasalukuyan nilang pinag uusapan.

Kaya't hindi ko masasabi na kami'y mahirap o sobrang yaman.

Agad ako'ng lumabas ng kwarto para makita kung ano ba ang dahilan ng kanilang maagang pag tatalo.

"Kung maliligtas tayo, sana pati sila"
Ang aking ina na naka upo at tila pinipigilan ang kaniyang emosyon.

Napatingin sila sa akin habang pababa sa hagdan at tumayo ang aking ina para salubungin ako ng yakap.

"Blessila.."

"Ina, ano'ng nangyayari? Ama?"

Nag palipat lipat ang paningin ko sa kanila'ng dalawa para tignan kung sino ba ang mag papaliwanag ng mga pangyayari ngsyon.

Huminga ng malalim ang aking ama at diretsong tumingin sa akin.

"Nag padala ang iyong lolo ng sulat na bali-balita na ang mga hapon sa kanila at banta ito sa kanilang pamumuhay"

Mukhang nag kamali sila sa kanilang prediksyon, sinasabi nilang mga dalawang taon pa mula ngayon ngunit nag padala na ng mga sundalo ang japan upang sa tingin ko'y mag manman at alamin ang kalagayan ng pilipinas.

rinig ko ang pag hikbi ni ina habang naka yakap siya sa akin kaya hinagod ko ang likod nya.

"Maayos naman daw sila at hindi papabayaan ng mga opisyal..ngunit nangangamba sila sa mga taong mas mababa ang estado sa buhay..kinukuha ng mga hapon ang kanilang mga naani'ng mga pananim"

Umiling siya na tila naaawa din at nalulungkot sa mga pangyayari.

"At ngayon, bali-balita na ang digmaan sa buong kamaynilaan, hindi lang pala dito kundi buong mundo"

Maayos naman pala ang lagay ng aking mga lolo't lola ngunit ano ang dahilan ni ina't gusto niya'ng puntahan ito..
Bilang anak siguro'y hindi maiiwasan na mag alala kahit pa sabihin nitong ayos lang sila kahit hindi. Sa ika papanatag ng loob ng kanilang mga anak.

Ngunit hindi naka takas sa aking pandinig ang huli niyang sinabi, ang digmaan sa buong mundo? Kani-kanina lang ay napanaginipan ko pa. At heto't maari nang magkatotoo. Wag naman sana.

"Kaya naisipan ko'ng sa susunod na araw ay lilisanin na natin ang lugar na ito, mag tutungo tayo sa paris upang masigurado ang ating kaligtasan, doon sa aking mga magulang"

Ang kaniya'ng mga magulang ay taga cordova sa espanya, ngunit kasalukuyang nasa paris dahil nandoon ang kanila'ng hanap buhay at doon kami mag tutungo upang maka ligtas sa digmaan.

Love is warTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon