Prologue

300 11 11
                                    

PROLOGUE

Ingay!.... Iyan ang bumungad sa akin pagpasok pa lang sa paaralang ito.

Hays! Isang napakahabang taon na naman ito.

Kahit na ayaw ko ng ganitong ingay na wala naman akong magagawa. Kailangan kong mag-aral!

Peew! Ashley, don't worry this is your last year. Hindi mo na makikita ang school na ito.

"Babe~ I missed you!" napatingin ako sa kaliwa. May naglalandiang aso. Nakakainis! First day of school, may kalandian agad! Benj Shin...

"Kyaaaah~ Sky!!!!" may nagtakbuhan papuntang kanan at nandoon ang isang squirrel na nagpagkakaguluhan ng mga kababaihan. At feel na feel naman niya ang pagkakandarapa ng kababaihan sa kaniya. Tsk! Akala mo kung sinong gwapo.

"Excuse me, hmmm. Mister, nahulog mo po.." narinig kong sabi ng isang babae mula sa likod ko. Iniabot nito sa lalaki ang panyo.

"Salamat! Pag ang puso ko ba ang nahulog, pupulutin mo din? By the way, I'm Drake Prince Elorde." mabulaklak na sabi ng lalaking ito. Bigla namang namula ang babae at hindi na nakaimik pa. Psh! Naku! May biktima na naman ang osong ito. Dadaanin ka lang sa mabulaklak na salita pero iiwanan ka din sa huli.

"Ang cute mo talaga. Ano'ng mga units mo? Lilipat ako para lagi tayong magkasama." nilingon ko kung saan nanggagaling ang boses. I spotted a duck... este Robin. May kakulitang babae. Hays! Nagtatawanan sila na akala mo wala nang bukas.

Ano bang meron sa school na ito at nagkalat sila?

Hinawakan ko ang dibdib ko, kumikirot na naman. Binilisan ko ang lakad ko nang makaalis agad sa lugar na ito at makarating sa room ko ng mabilis.

Bakit nararamdaman ko pa rin ito?

Sa kanilang apat?

Di pa din ba ako naka-moved on?

Stuck? Sa apat talaga?

NO!

This can't be happening!!

I need to move on...

I bad need too...

Ashley Joyce Valdez, really need too...

"OUCH!" natigil lahat ng nasa isip ko dahil sa sigaw na yun.

"BULAG KA BA? O SADYANG 'DI KA LANG TALAGA MARUNONG TUMINGIN SA DINARAANAN MO?" tinignan ko lang siya. Matangkad, gwapo katamtaman ang katawan at .... Ngayon ko lang siya nakita dito.

"Ano? 'Di ka ba marunong magsalita? Tsk. Such a waste of time!" binangga niya ang kaliwang balikat ko at saka nagpatuloy sa paglalakad.

Nilingon ko siya.

Psh! Gwapo sana... Monster nga lang!

~~~~

READ. VOTE. BE A FAN! Mag comment naman kayo kung nagustuhan niyo ba ang story na ito. Feel free to criticize! Say 'NO' to PLAGIARISM. Let us unite to stop plagiarism issues. Itong story na ito ay na-plagiarize ng unang beses pero katagalan ay nag sorry na siya. Oops! Alam na ng iba. Vote at Comment kayo dali! Ang hindi magboto ay walang UD! Pwede kayong magdagdag ng characters para ma-accept ko kayo. Okay? Comment na lang ang hindi silent reader diyan. Thank you sa magbigay ng feedback!

Yours truly,

Marvin ♥

Four Boys broke my Heart and One Monster fixed it (On Hold)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ