Chapter 1

17.4K 168 4
                                    

Teaser:

Kahit mahirap para kay Michelle ay kinakaya niyang gampanan ang tungkulin sa trabaho. Even if she knows that behind her back, there is one person who is always looking at her – si Josh, isa sa kanyang mga modelo sa Twin's Modeling Agency at tinaguriang "Papa Dimple" ng TMA.

Naging maganda ang pakikitungo nila sa isa't-isa. She's the boss and he's one of her assets. Pero kahit strictly professional ang pinapairal ni Michelle sa pakikipagugnayan sa binata ay tila iba naman ang agenda nito sa pagpapapansin at pang-aasar tuwing nagkikita sila. Things changed when Josh started to show her again all his feelings she had willed herself to forget. Nalaman ni Michelle sa sarili na kahit kailan ay hindi nagbago ang damdamin niya para dito at ganoon din si Josh sa kanya.

They started anew. Kinalimutan nila ang anumang sakit na dulot ng kahapon. Napakasaya niya sa bawat sandaling kasama niya si Josh. And when Michelle thought she was already the happiest woman on earth, she was proven absolutely wrong because just like before, Josh hurt her again for the same reason.

NOTE: This is the raw and unedited version. Enjoy reading!

CHAPTER ONE

"ARGH! Nakakainis talaga," salubong ang kilay na bulong ni Michelle sa kanyang sarili habang pababa ng kanyang kotse.

Ilang traffic lang naman sa daan ang inabot niya bago makarating sa kanyang pupuntahan. Hindi siya pwedeng ma-late dahil napaka-importante ng araw na iyon para sa dalawang taong pareho niyang kaibigan.

She was attending a solemn white wedding of the famous supermodel John Phillip de Raven and his pretty bride, Zan, their hairstylist sa TMA o mas kilala bilang Twin's Modeling Agency kung saan siya ang nagpapatakbo ng nasabing pinakasikat na agency sa bansa. She was there again to witness a happy ever after love. Pangatlo na si Phillip sa limang magkakaibigan na ikakasal. Ang pang-apat ay nakatakda na ring ikasal sa susunod na taon. Ang limang sikat na modelo niya ay masayang lalagay na sa tahimik. Parang kailan lamang ng una niyang imbitahin ang lima para pumirma ng exclusive contract sa kanila. Ngayon ay isa-isa ng natagpuan ng mga ito ang tunay na kulay ng karera ng mga ito. Iyon ay ang pagkakaroon ng pamilya.

Malapit siya sa mga ikinakasal kaya isa siya sa mga kinuhang maid of honor ng mga ito. Mabuti na lamang at hindi pa nagsisimula ang seremonyas kung hindi ay talaga namang nakakahiya siya. Blame the traffic in metro.

Pagbaba niya ng kotse ay kaagad siyang naglakad papasok sa loob ng simbahan. Marami na ring taong nandoon na waring nais makasaksi sa mahalagang seremonyas na iyon. Meron ding mga press ang nandoon para i-cover ang kasal. She knows very well how famous is TMA and her supermodels.

Bawat madaanan niya ay ngumingiti sa kanya. She simply knew that it is because of her white A-line princess halter floor-length chiffon bridesmaid dress na gawa ng sikat na fashion designer. Nagmukha nga raw siyang prinsesa sa kanyang suot.

"You're late."

Ang malamyos tinig na iyon ang nagpatigil kay Michele sa akmang paghakbang ng kanyang mga paa. She doesn't have to look to see whose voice is that dahil hinding-hindi niya makakalimutan ang tinig na iyon. Ipinilig niya ang ulo. It's not the time and the place to think about those things.

Huminga siya ng malalim at humarap. Sinalubong siya ng isang matamis na ngiti at litaw na litaw pa ang dimple nito sa kaliwang pisngi. Those deep set tantalizing eyes na animo'y ngumingiti ng kusa natigil ang mga mata niya. Parang may magnetong humahatak sa kanya habang nakatingin rito. Dumako ang tingin niya sa hapit na hapit na suot nitong white tuxedo. Kahit anong isuot nito ay bagay na bagay sa malapad nitong katawan. She almost melted to that familiar smile of Josh, her one of the famous supermodels at nag-iisang single na lamang sa limang magkakaibigan. How can she forget that smile? Mapait na turan niya. And what in the hell is happening to her? Why she's analyzing the figures of this man?

We Can Learn To Love Again COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon