CHAPTER EIGHT
MATAMANG pinagmamasdan ni Michelle si Josh habang inaayusan ito ng personal hairstylist ng limang modelo na si Zan.
They were ready for the event this evening. Irarampa lang naman ng kanyang mga modelo ang creation ng batikang designer ng bansa. Nandoon na sila sa event kung saan busy ang lahat sa paghahanda kahit isang oras pa ang natitira bago ang umpisa ng show.
Every event is a success for her. Napakasaya niya kapag sa dulo ng nasabing show ay nakatitig sa kanya ang lahat ng tao nang may paghanga. She will hear all their positive comments and compliments from them. Pero parang iba ang araw na ito. Alam niyang iyon ay dahil kay Josh. Ngayon lang ulit sila magkakaroon ng show na kasama nia ito at sobrang saya niya.
Wala na siyang mahihiling pa sa araw-araw na kasama niya ito. Lalo niya itong minamahal habang lumilipas ang mga araw.
Natapos si Zan sa pag-aayos sa buhok nito at nakangiting nagpaalam ito sa kanya dahil tinatawag na ito ng mahal nitong esposo.
"Will you stop staring at me," saway nito sa kanya habang nakaupo nang umalis si Zan.
"What?" maang na tanong niya. "Ano 'bang ginawa ko?"
Napakagwapo nito sa nakataas nitong buhok. He looked more charming in that look. He's wearing an almost bared black blazer and black skinny jeans. Mukha itong rakista sa porma.
Pinanlakihan siya nito ng mata. "You're distracting me. Kanina ka pa nakatitig sa akin."
Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Lumapit siya rito at pinisil ang ilong nito. "Kasi ang gwapo-gwapo mo kaya hindi ko maihiwalay ang tingin sayo," pagbu-boost niya sa ego nito.
Sumilay naman ang maaliwalas nitong ngiti. Hinimas pa nito ang baba, "Alam ko namang gwapo ako. Kaya ka nga patay na patay sa akin eh," nginisihan pa siya nito.
Sumimangot siya, "Umandar na naman ang pagiging mayabang mo. Sigurado akong sasakit na naman ang tenga ko mamaya sa dami ng titili sayo."
Sa tuwing rarampa ito at ang apat pa nitong kaibigan ay halos mabingi siya sa lakas ng hiyawan. Kahit may asawa na ang tatlo at malapit ng ikasal ang isa ay ganoon pa rin ang suportang nakukuha ng lima sa maraming tao. Iyon ang isang bagay na ipinagpasalamat niya dahil buo pa rin ang magkakaibigan at kabilang sa TMA.
"Totoo naman," pilit pa nito. "I don't mind other girls cheering for me dahil ikaw lang ang nag-iisa dito," tinuro pa nito ang tapat ng dibdib. Napangiti siya sa sinabi nito. "Wala ring sinabi lahat ng modelo ng TMA kasi para sayo ako lang ang nag-iisang gwapong modelo diyan sa puso mo," tinuro pa siya nito at kinindatan.
Hindi niya napigilan ang sariling humalakhak sa tinuran nito. Hindi talaga ito nauubusan ng pakwela. Natigil lamang siya sa pagtawa nang mapansin niyang tumingin sa kanila ang lahat ng taong nandoon. Ang lakas kasi ng tawa niya habang seryoso ang lahat. Kahit na siya ang boss ay nahihiyang ngumiti lang siya sa mga ito. Baka akala ng mga ito nababaliw na siya.
Kaagad namang tumayo si Josh hinapit siya. Nahihiyang sumandal siya sa dibdib nito. Kung pwede nga lang magtago ay ginawa na niya. Salamat sa malapad na dibdib ni Josh at pwede siyang magtago roon.
"Pasensya na kayo dito sa girlfriend ko," natatawang sabi ni Josh. "Masaya lang siya na may gwapo siyang boyfriend na katulad ko."
Tinampal niya ang dibdib nito sa sinabi nitong iyon na ikinatawa ng mga taong nandoon. Sumipol pa ang ilan at tinukso sila.
BINABASA MO ANG
We Can Learn To Love Again COMPLETED
HumorSupermodel No. 5 Josh Rios, ang "Papa Dimple" ng TMA.