THGMH [Chapter 2]

776 28 1
                                    

“THIS ISN’T HAPPENING! Kanina nung nasa trabaho ako nakipagtalo ako sa assistant chef ko, who walked out on me and now this?! I can see, hear and talk to a ghost. Who is sitting pretty on my couch!!” Asar! Napapa-english ako sa sobrang inis.

“I TOLD YOU, STOP CALLING ME GHOST!”

“FINE! NO MORE GHOST! Ano’ng pangalan mo? Ghost, I mean spirit, may mga pangalan ba kayo?”

“Of course we do have.”

“So ano’ng pangalan mo?”

“That I do not know.”

“EH??? Hindi mo alam? Ano ba yan! May multo dito sa bahay ko na hindi alam kung ano ang nangyari sa kanya pati pangalan di rin alam.”

“Sorry. Wala talaga akong matandaan.”

“Kahit kaunti?”

“None.”

“Haizt! Fine! Wala tayong magagawa kung wala kang maalala. Magpahinga na lang muna tayo. Sandali, nagpapahinga rin ba ang mga tulad mo?”

“Oo naman.”

“Okay, magpahinga muna tayo at bukas na bukas din maghahanap tayo ng makakatulong sa’yo. Dahil obviously wala akong maitutulong sa’yo.” Pumasok na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama.

Bakit ito nangyayari sa akin? Ano bang kasalanan ang nagawa ko at pinaparusahan ako ng ganito? Wala na akong magagawa kundi ang tulungan sya para lubayan nya na ako. Sayang ang gwapo pa naman nya. Kung hindi lang sana sya multo, kikiligin ako ng bonggang-bongga sa kanya.

XXXXXXX

“HMMMM!!!!!”

*Unat-unat ng kamay*

Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto ko at napangiti ako . “Mukhang binangungot lang ako dun sa multo thingy. SALAMAT!”

“Good morning!”

“Waaaaaa!!!!!!” *THUGS*

“ARAY!!!!” Hinimas-himas ko ang nananakit kong pwet. Nahulog kasi ako sa kama nung biglang sumulpot si multo.

Leshe! Di pala yun bangungot!

 “Are you alright?”

“Sa tingin mo ayos lang ako?! Anak naman ng starfish o, wag ka ngang ganyan.”

“Anong ganyan?”

“Yung pabigla-biglang pagsulpot. Pwede ba umayos ka naman ng parang normal na tao? Yung gumagamit ng pito o humihingi ng pirmiso bago pumasok.”

“Sorry.” Sus, kung di ka lang gwapo inaway-away na kita.

“Maliligo muna ako.” Tumayo na ako at naglakad patungo sa banyo ko, pero bago ako pumasok ng banyo hinarap ko muna sya.

There's A Handsome Ghost in My House: A BTS Jin's FanFicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon