THGMH [Chapter 3]

577 24 0
                                    

“Saan tayo makakahanap ng tulong? Tatlong araw na ang nakakalipas at walang nangyayari!”

 

“Hindi ko rin alam, Spongebob.” Tama si Spongebob, tatlong araw na ang nakalipas at marami na rin kaming kinunsultang mga espiritista pero lahat manggagantso.

“Mabuti pa manood na lang tayo ng Spongebob Square Pants.” Kinuha ko ang remote at binuksan ang T.V. Literally! Joke! Pagsinuswerte ka nga naman, saktong kasisimula pa lang ng SSP. (Spongebob Sqaure Pants ang ibig sabihin ng SSP, hindi Sobra Sa Pansin, okay?)

“Iba na lang ang panuorin natin. Ang pangint naman nyan eh.”

 

“Sshh…. Wag kang maingay.” Reklamador talaga! Ang sarap tirisin!

*KRIIIIIIIIING!!!! KRIIIIIIING!!!!*

Tumayo ako para sagutin ang telepono. Sino naman kaya ang tatawag sa ganitong oras?

“Hello?”

 

“Hi Sweetie!”

 

“Hi Mommy! Kumusta po?” Geez!!! Na-miss ko boses ng mommy ko.

“Ayos naman ako anak. Si Hana, hindi matigil-tigil sa kaka-iyak dahil sa crush nya.” Ang batang yun talaga. Iniiyakan pati crush nya. Bakit patay na ba at iniiyakan nya?

“Gusto kang kausapin ng kapatid mo.”

 

“Sige po.”

“U-unnie? *sniff*”

Umiiyak talaga…. Haaay….. ano naman kasi ang ginawa ng crush nito sa kanya at ganyan na lang ang pag-iyak nito?

“Bakit ka umiiyak Hana?”

 

“Si…..*sniff* Seokjin…. Na…naaksidente…. *sniff*”

“Seokjin? Sino yan? Isa ba sya sa mga kaklase mo?”

“HINDI!!!!!!!!!!!! HINDI AKO MAKAPANIWALA NA HINDI MO SYA KILALA ATE! ISA SYANG SIKAT NA SINGER!!!!” ARAY!!!!!!!!! Ang sakit sa tainga. Kung makasigaw ‘to akala mo sya ang ate sa ‘min.

“Pasensya naman nuh!” Akala ko naman kaklase nya ang tinutukoy ni Mommy na crush nya, yun pala ay artista. Tapos ang OA pa kung maka-react. Para naman kasalanan na hindi kilala ang taong yun.

Sorry naman daw nuh, hindi kasi ako belong sa civilization. Wala akong kilalang artista!!!

There's A Handsome Ghost in My House: A BTS Jin's FanFicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon