THGMH [Chapter 12]

363 18 2
                                    

SABADO…..

Nag-iimpake na ako ng huling kahon na ipapadala ko sa Seoul. Tatlong araw na lang at aalis na ako ng Busan. Isang buwan na rin ang nakalipas matapos ng insidente sa hospital. At kung nagtatanong kayo tungkol kay Seokjin. Hayon, ginagawa na nya ang fourth album nya and of course, girls are gone crazy again with him, lalo na si Hana.

Kailangan ko ng makaalis sa bahay na ‘to. Dahil sa bawat sulok ng bahay ay puno ng alaala namin ni Spongebob. Para na nga akong baliw dito dahil naririnig ko pa rin ang mga tawa nya sa apat na sulok ng kwarto ko. Tae naman oh! Emomota na ako dito! TTT^TTT

I look around my room and the memory with him cam rushing like a flashflood.

 

 

“HMMMM!!!!!”

 

*Unat-unat ng kamay*

 

 

 

Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto ko at napangiti ako . “Mukhang binangungot lang ako dun sa multo thingy. SALAMAT!”

 

“Good morning!”

 

“Waaaaaa!!!!!!” *THUGS*

 

“ARAY!!!!” Hinimas-himas ko ang nananakit kong pwet. Nahulog kasi ako sa kama nung biglang sumulpot si multo.

 

Leshe! Di pala yun bangungot!

 

 

“Are you alright?”

 

“Sa tingin mo ayos lang ako?! Anak naman ng starfish o, wag ka ngang ganyan.”

 

“Anong ganyan?”

 

“Yung pabigla-biglang pagsulpot. Pwede ba umayos ka naman ng parang normal na tao? Yung gumagamit ng pito o humihingi ng pirmiso bago pumasok.”

 

“Sorry.” Sus, kung di ka lang gwapo inaway-away na kita.

Di ko mapigilang mapangiti tuwing maalala ko ang unang araw nya sa bahay.  Grabeng gulat ko talaga nung bigla syang sumulpot nun sa kwarto ko ng wala man lang pasabi.

There's A Handsome Ghost in My House: A BTS Jin's FanFicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon