chapter 1

6 0 0
                                        

"betang!" Sigaw ni Rizza habang nagpapay-pay ng barbecue. May munting negosyo to sa tapat ng bahay nito. Bukod sa barbecuehan may halo halo rin syang paninda. Lagi akong bumibili sa kanya pag kauwi galing ng trabaho. Ilang kembot lang naman ang pagitan mula sa bahay namin. Inabot ko na ang bayad sa tricycle driver. Lalong lumapad ang ngiti ko nang makita ang panganay nyang si Bebang na tumutulong sa pagtitinda. 12 years old na sya, maaga kasing nabuntis tong si Rizza eh. Pero bilib ako sa pagiging super mom nya. Ganun din sa napangasawa nitong si Lawrence. Pinandigan talaga nila ang isa't isa kahit alam nilang mabigat ang responsibilidad ng pagpapamilya sa kabila ng murang edad palang ng mga ito noon.
Di ko tuloy maiwasang mainggit, not in a bad way naman pero di ko rin maiwasang isipin pano kaya kung may sarili na rin akong pamilya, asawa't mga anak.

"Sipag naman ni Bebang!" puri ko.

"Syempre naman, habang bata pa matuto na rin syang dumiskarte, dagdag na rin sa baon nya.
Yung dati mo bang order betang?"- Rizza

"syemps naman, nakakagutom! Natatakam na kong kumain ng isaw"

Bukod sa paborito kong kumain ng isaw, i share ko na rin kung paanong sa kinaganda at bango ng pangalan kong Velvet rose ay napunta sa mabantot na palayaw kong betang.
Dahil yan sa kapatid kong lalaki. Sa una kompleto pa, tumagal naging Velvet na lang, dahil pilipino tayo, Belbet na at naging Betang.
Si Nanay ang nagpangalan sa kin. Na inspire daw sya sa isang children song sa simbahan namin. Lilac Tree din sana ang pangalan ng kapatid na galing din sa kantang yun. Pero di pumayag si Tatay dahil it's his turn naman daw to named my brother.

Nag paalam na ko kay Rizza at pauwi na sa bahay nang mapansin kong mukhang may nagkakasiyahan sa bahay nila Uncle Jude. Mukhang may bisita ata sila.

Nadatnan ko si Nanay sa kusina at syempre niyakap ko sya at hinalikan sa pisng. Nakasanayan ko na kasing gawin yun sa kanya ganun kay tatay. Kahit 30 na ko. Nilalambing ko pa rin sila at ganun din naman sila sa akin.
Bumalik ulit sa trabaho si tatay, factory worker sya sa Taiwan. Ang huli nga nyang uwi ay nung bday ko. Kami ulit ni Nay sa bahay. Ang kapatid ko naman nakatira kasama ang pamilya nito sa Pampanga.

A Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon