Tinignan ko ang wrist watch ko 7.30 pm na. At walang katao tao sa bahay, sobrang tahimik. Pumunta kasi si nanay sa Pampanga para dumalaw sa kapatid ko. Sobrang excited nya dahil nabalitaan namin na buntis ulit ang sister in law ko. Kahit ako masaya din dahil magkakaroon na naman ako ng cute na pamangkin. Mag hahanda sana ako ng lulutuin nang biglang nagtawag si Uncle Jude. Ewan ko ba kay Uncle may pintuan naman pero sa may bintana talaga sya nagtawag muntik ko na tuloy ibato ang hawak kong kutsilyo na pang hiwa sa manok na aadobohin ko.
"Betang sa bahay ka na mag dinner, may pa welcome home party kami sa pamangkin ko"
"Sige po uncle sunod po ako" sagot ko na nakangiti. Buti na lang di ko na kailangang mag luto. Dahil sigurado marami silang handa. Pero sino naman kaya ang tinutukoy nito na pamangkin? Ewan ko pero may naramdaman akong excitement, dala na rin siguro ng curiousity ko kung sino sya.
Kapit bahay namin sila Uncle Jude talagang mababait sila pati ang asawa nitong si auntie Raquel. Mga kababata ko din mga anak nila. Close talaga ang pamilya namin sa kanila dahil parehas kami ng religion. Tungkol nga sa Welcome Home party sa bahay nila hindi to para sa OFW ha pero nakasanayan na kasi namin ang ganitong simpleng pagtitipon para sa kauuwi lang na missionary ng simbahan namin. Eto yung pagpapakita namin ng appreciation sa service nila. Mga 2 years din yun kung lalaki. Bigla ko tuloy naalaa nung bagong uwi ko, dahil naging missionary din ako ng mahigit isang taon. Umiyak talaga ako nung makita ko si nanay. Namiss ko talaga sila nang sobra.
Naririnig ko na yung tawanan at kwentuhan sa loob ng bahay nila uncle. Sa pagpasok ko nakita ko ang isang lalaki na nakaupo sa harapan sa salas. Halata ngang bagong uwi galing sa serbisyo nito. Bakas ang tanned skin nito at glow sa kanyang mukha. Halata rin na may katangkaran sya at di kona natuloy ang pag describe ko sa kanya nang ma realize kong naka titig na din pala sya sakin
BINABASA MO ANG
A Mr. Right
RomancePaano kung dumating si Mr. Right sa panahong nawawalan ka na ng pag asang magka love life? Will Velvet Rose has courage to open her heart once more?