Sabi niya "crush" ka niya.
Sabi niya cute ka.
Inaantay ka pa niya matulog.
Sabay pa kayo magbreakfast.
Sabi niya maganda ka.
Sabi niya ikaw lang kinaaadikan niya.
Sabi niya gusto ka niya.
Sabi niya magdamag kang tumatakbo sa isip niya.
Sabi niya wag kang magpuyat kasi baka pumangit ka.
Palagi ka pa niyang namimiss.
Sabi niya ikaw lang iniisip niya.
Sabi niya baliw siya sayo.
Ikaw ang itinuturing na "achievement" sa life niya.
Sabi niya paghihirapan niyang makuha ka.
He would never lose hope.
You were the light of his days.
Sabi niya love ka niya.
Gusto ka niyang kasama FOREVER.
Pero bakit ngayon parang may iba na siyang 'crush'?
Bakit ngayon parang may iba na siyang gusto?
Bakit ngayon parang hindi na ikaw ang priority niya?
Bakit ngayon parang nawala ka na sa isip niya?
Bakit ngayon napupuyat ka na kakahintay na kausapin ka niya?
Bakit ngayon nagsawa na siya?
Bakit ngayon mas nauuna pa siyang matulog sayo?
Bakit ngayon parang wala na siyang interes sayo?
Bakit ngayon parang nag-give up na siya?
Bakit ngayon parang di ka na niya mahal?
Bakit ang FOREVER, may HANGGANAN na?
-K