HH - Chapter Eight - Ang Tamod Ko

140 5 0
                                    

**  *  **


Kahit ilang ulit hampasin ni Winston ang katawan ng lalaki ay wala na talaga itong senyales na nasasaktan. Kaya itinigil na niya ang paglalatigo sa kalunos-lunos na katawan nito. Mukhang hindi na talaga nito kinaya ang hirap at sakit. Bagsak na ang katawan nito, siguro kung hindi nakatali ang mga kamay ay tiyak na lumagapak na ito sa sahig. Ang ulo kanina na nakaangat pa ngayon nakalupaypay na at ang tiyan ay hindi gumagalaw -- senyales kung humihinga pa ba.

Inilapat niya ang kamay sa kaliwang dibdib ng lalaki, buhay pa pala ito pero mahina na ang tibok ng puso.

Dahil tapos na niyang pahirapan ang lalaki ngayon ay roromansahin na naman niya ito ayon sa inuutos ng kliyente pero sa nakikita niya ay para itong si Jes*s na ipinako sa kruz. Ang pangit naman yata romansahin sa ganon? Hindi na nga ito gumagalaw para pa itong banal. Kaya naman naisip niyang tanggalin ito sa pagkakagapos at sa sahig nalang ito galawin.

Unang tinanggal ni Winston ang tanikala sa paa pagkatapos ay sinunod niya sa mga kamay. Nang tuluyan ng makalas lahat ay niyakap niya ang lalaki para hindi tuluyang bumagsak. Hindi niya alintana ang bumahang dugo sa sahig na naapakan pati ang mga dugo sa katawan ng lalaki na dumikit sa kanya mula sa mga sugat nito ng magkayakap sila.

'Yon ang kanyang pagkakamali. Hindi niya naisip ang posibleng mangyayari. Huli na para makatakas dahil mabilis na pumulupot sa kanyang leeg ang braso ni Japeth. At ang isang braso niya ay pinilipit nito sa kanyang likod kaya kung susubukan niyang gumalaw nasasaktan siya.

"Bitiwan mo ako!" Sinubukan pa ni Winston na magpumiglas ngunit hindi niya talaga matanggal ang braso nito na mahigpit na nakapulupot sa kanyang leeg. Hindi niya akalain na sa kabila ng nangyari sa lalaki ay malakas parin ito.

"Wag ka ng gumalaw para hindi ka masaktan. Basta hayaan mo lang akong makaalis dito ay hindi kita papatayin." Pagbabanta ni Japeth sa kanya. Base sa boses nito ay hindi nga ito mangingiming patayin siya kaagad kung may makita itong maliit pagkakamali.

Nang ibaling ni Winston ang paningin sa ibang direksyon ay doon lang niya napansin ang tatlo pa niyang kasama dito sa loob ng silid. Ang isang bakla ay nakatutok na ang baril sa kanyang direksyon, partikular sa lalaki na nasa kanyang likod at kung magpapaputok ang bakla ay tiyak siya ang tatamaan. Ang pangalawang bakla ay may hawak na baseball bat, medyo malapit ito sa kanya at parang handa na mamalo kapag nakakita ng pagkakataon na tulungan siya. Si Delainee naman ay nanatili paring nakaupo katapat ng laptop. Nagkakatitigan sila pero hindi niya mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip nito dahil walang mabanaag na emosyon ang mukha nito.

Nabuhayan siya ng loob. May tatlong tao na pweding makatulong sa kanya ngunit papaano? Maraming tumatakbo sa kanyang isipan ngayon. Masyadong mabilis ang pangyayari, hindi niya naisip na sa isang iglap -- ang kanyang biktima kanina ay ngayon siya ng ang bibiktimahin? Ayaw pa niyang mamatay at ayaw niya rin na makatakas si Japeth. Hindi pa siya nakakaganti nito, hindi pa niya napapatay...

Nahinto ang malalim na iniisip ni Winston. Nagulat siya at napakurap ng bigla niyang marinig ang galit na boses ni Japeth.

"Hoy, ikaw! Itapon mo 'yang baril dito." Asik ni Japeth sa isang bakla na may baril pero hindi ito sumunod. "Ganon ha, ayaw mong sumunod!" Hinigpitan ni Japeth ang pagkakasakal sa leeg ni Winston kaya nabahala ang tatlo ng makita nilang nahihirapan ng huminga si Winston. Labag man sa loob ay walang nagawa ang bakla kundi isuko ang baril. Itinapon nito padausdos sa sahig ang baril hanggang huminto ito malapit sa paanan niya.

Pwedi Makisakay (BoyXBoy) (Short Story) Completed√Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon