HH - First Chapter - Killer Versus Killer

271 2 0
                                    

_+_

Madilim. Malamig ang buga ng hangin. Mataas ang damo. Sa gitna ng kagubatan ay may dalawang lalaki ang nagsusukatan ng kanilang galing sa pakikipaglaban. Sa isang salita, nagpapatayan sila. Kung ano ang punot dulo ng kanilang galit sa isa't isa ay sila lang ang nakakaalam.

"Bilib ako sa tapang mong kalabanin ako. Nakakatawang isipin na galit ka sa mga katulad kong killer. E, isa karin namang killer." Aniya ng lalaki pagkatapos ay humalakhak ng tawa.

Ang kanyang kausap naman ay hindi nagbago ang guhit sa mukha. Matigas, walang takot. Nanatiling tahimik at nag-aabang sa pag-atake ng kalaban. Siya ay walang hawak na kahit anong sandata sa kamay pero ang lalaki kanina na nagsalita ay magkabilaan ang hawak na sandata, isang katana at hatchet.

"O, bakit hindi ka magsalita? Nanginginig ka na siguro sa takot no, kaya hindi mo na maibuka ang iyong bibig?" Muling pagsasalita ng lalaki. Dalawang metro lang ang layo nila sa isa't isa. "Dahil mabait ako. Bibigyan kita ng pagkakataon na tumakas. Naawa kasi ako sa buhay mo."

"Masyado kang madaldal. Hindi bagay sayo ang titulo ng pagiging killer. Dapat lang talaga na mamatay kana, duwag!!" Sagot ng lalaki. Pagkatapos ay mabilis nilang sinugod ang isa't-isa.

Kanina pa sila naglalaban dalawa. Nahinto lang ito panandalian para makapag-ipon ng lakas dahil sa pagod. At ito na nga ang ikalawang beses na maglalaban sila sa huling pagkakataon para wakasan ang init sa pagitan nilang dalawa.

* * *

Makalipas ang ilang minuto. Nakahiga na sa lupa ang isang lakaki. Duguan. Wala ng buhay. Ang natalo sa laban ng dalawa ay 'yong lalaking madaldal. Putol na ang kaliwa nitong kamay. Pugot ang ulo at malayo ang pagkakahiwalay sa katawan. Nakatarak pa sa dibdid nito ang sariling sandata - ang hatchet.

Kalunos-lunos talaga. Paniguradong naramdaman pa ng lalaki ang matinding sakit at pagdurusa bago ito namatay. Pero kung iisipin, sapat na ba ang sinapit nito 'o kulang pa dahil sa dami ba namannng kanyang pinatay? Ang mga katulad niyang killer ay nararapat lang na mamatay sa matinding sakit at hindi makataong paraan.

Pinakatitigan ng lalaki ang kanyang pinatay. Walang mababakas na awa sa kanyang mga mata. Ang gabing ito ay isa na namang panibagong accomplishment sa kanyang buhay. "Marami pa akong papatayin." Sabi niya sa hangin pagkatapos ay naglakad na para umalis. Walang takot na binabaybay niya ang madilim na gubat papalabas habang paika-ikang naglakad at hawak ang tiyan. Hindi rin kasi biro ang naging kalaban niya ngayon. Hindi ito katulad ng mga nauna niyang biktima na madali lang patayin. Nagkaruon siya ng maraming sugat at pasa pero hindi naman ganun kalala.





Unedited:
TO BE CONTINUED. ..

Pwedi Makisakay (BoyXBoy) (Short Story) Completed√Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon