Chapter 2

7.9K 292 19
                                    

Napapitlag si Katarina sa huling sinabi ng aroganteng may-ari ng hotel, pero pinilit pa rin niyang maging kaswal dito. "I'm his newly hired model, or at least I was." Taas baba niyang sabi, at pilit naman niyang tinatago ang panginginig sa kanyang boses. "He want me to meet here one of the owner of the modelling agency I'm applying for. End of the story." aniya at agad pinutol ang sinabi. It's a long story at ayaw na niyang idetalye pa rito ang lahat. Sana lang bigyan na siya ng maayos na damit nito at hayaan na siyang umalis. Masyado kasing bumibilis ang tibok ng kanyang puso pag kaharap niya ito. At saka nakakawala sa tamang wisyo ang nakakatunaw na mga titig nito.

Juicekolord! Paano ba naging 'delectable' sa paningin niya ang damuho na ito? Para bang ulam ito na kay sarap namnamin. But from what she'd seen so far, he was an over-confident, insensitive jerk, idagdag pang mahangin ito at sobrang bilib sa sarili. At kahit masarap na ulam pa ang tingin niya rito mukhang hindi pa rin siya matutunawan. So he owned the hotel. So what? Wala siyang paki kung sinong poncio pilato ito at wala rin itong karapatan na e-bully siya.

"I see." he said in the same wry monotone, as if she were sitting here in her underwear for his personal amusement. "I'm just confused, kung bakit nakahubad ka nalang na hindi mo alam kung nasaan ang mga damit mo?"

"Ahh, so Filipino ka rin pala sir. Good, at least magkakaintindihan tayo. Ganito kasi yon, sir, hindi ko talaga alam na he'd booked us into the same suite. At yong..ininum naming wine kagabi ay may pampatulog pala iyon. Nagtiwala rin naman ako sa kanya dahil bakla siya at mukhang hindi manloloko." Tears of frustration stung Katarina's eyes. Napakurap-kurap naman siya upang hindi tuluyang tumulo ang luha niya. Paano ba siya naging ganito ka tanga?

Kung nalaman lang sana niya nong una ang intensyon ng baklang iyon, eh di sana hindi humantong sa ganito. But she'd been eager to impress him, to prove she was worthy of the opportunity he was offering her, tuloy nahulog siya sa bitag. Nahulog siya sa isang malaking scam!

Napalunok si Katarina bago nagsalitang muli. "Then are you going to press charges or not?"

Ang dalawang segundong paghihintay niya sa sagot ng lalaki ay para ng dalawang dekada. Saka nakita nalang niya na binitawan na nito ang hawak-hawak nitong ballpen. "I guess not." sagot nito sa wakas na ikinahinga niya ng maluwag.

"Thank you." aniya at pilit niyang ipinapakita rito na sincere nga siya sa sinabi niya. Salamat naman at hindi na umabot sa punto na magmamakaawa pa siya rito. "Kung ganoon, maari na ba akong umalis?" aniya sabay tayo.

"Hindi pa, dahil hindi pa tayo tapos." sabi nito.

To her dismay, he stood up too and walked around the desk towards her.

My goodness, ang tangkad pala ng lalaking ito. He was tall and lean with a very impressive pair of shoulders filling out his pricey linen shirt. She was five feet four kaya kinailangan pa talaga niyang tumingala para matingnan ang lalaki. Gosh, ang laki ng height advantage nilang dalawa.

"Wala na akong nakita na pwede pa nating e-discuss." turan niya at medyo huminahon na ngayon ang pakiramdam niya.

"How about...?" Naputol lang ang sasabihin nito nang tumunog ang intercom nito. "Stay put," mando nito na para bang isa siyang aso. Kinuha na nito ang awditibo at sinagot ito. "Bourdeux." bungad nito sa tumawag.

Tumalima na lamang siya sa sinabi ng lalaki, sa tingin niya kasi kailangan pa talaga niyang magpaalam kay Mr. Sex God na pupunta muna siya sa suite niya.

"Uh-huh." napatango-tango ito sa kausap, halatang engrossed ito sa anumang sinasabi ng kabilang linya. "Did he say where he was going?" Nakikinig lang ito sa kausap habang ang mga mata naman nito ay nakatutok sa kanya. His eyes hardened and his beautifully sculpted lips flattened into a thin line. "What about ID?" sabi nito sa kausap at tila ba naiinis ito. Saka napapasuklay ito sa maalon-alon nitong buhok gamit ang mga daliri.

Delectable Men 1 : Zechariah BourdeuxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon