Chapter 2

1 0 0
                                    

November 21, 2014

Isang linggo na matapos yung nangyareng pagsugod ko sa dalawang malanding  iyon.

Mag isa lang ako sa bahay dahil araw araw nagtuturo sa elementary school ang aking mama samantalang compony driver naman si papa.

Wala pa kong sinasabihan sa ginawa ko at siguradong mananagot nanaman ako sa kanila.

Napabuntong hininga nalang ako sa iniisip kong to. Nangako nako na di nako ulit gagawa ng gulo.

Binalak ko nalang pumasok dahil isang linggo na akong  hindi pumapasok. Nagkukunware lang ako magpapahatid kay papa tuwing umaga bago sya pumasok sa trabaho nya pero pag baba sa tapat ng gate ay hihintayin ko lang syang umalis at agad akong pupunta dun sa park.

Yun nalang ang lagi kong tambayan. Parang nawawala saglit ang problema ko pag nandun ako, lagi nakatingin sa malayo. Sa dagat.

Pumasok ako mula gate hanggang hallway at pati sa room ay  pinagtitinginan ako ng mga tao. Pag upo ko sa upuan ko hinanap ko si Zenny pero wala sya.

"Hey where's Zenny Queng? " tanong ko sa isang kaklase ko na kanina parin nakatitig sakin.

"Umm absent sya nilalagnat daw. " magtatanong pa sana ako na may isang kaklase nanaman ang nagsalita.

"Ava pinapatawag ka ni Miss Dita Treño. " kadarating lang din nito, yung president namin sa room and Miss Treño ang mukang perang Dean ng Sophire University. Boom!

Walang emosyon akong tumayo at dirediretso lang ng lakad palabas ng pinto na di pinapansin yung mga tigtig nila.

Alam ko na ang mangyayare.

"Expelled kana Ava ilang araw kitang hinintay na pumasok para malaman mo in person na pinapaalis kana sa Universiting ito at sinasabi ko ring banned kana simula ngayon.  "

Napasinghap ako sa mga sinabi nya.

"Talaga? Bakit binayaran kaba ng Llones Family? hahaha mga mukang pera!. " agad ako pinalakihan ng mata nito at akmang sasampalin.

"Sige!! sasampalin moko?  Remember di mo nako studyante. Kayang kaya kitang gantihan. " pananakot ko sa kanya.

Napatigil sya sa gagawin nya.

" Wala kang galang!!. " sigaw nya sakin.

"Bakit kagalang galang kaba?" napa smirk nalang ako.

"Makakaalis kana and bring all your things with you. " iniirapan ko sya bago ako umalis.

Stupid society. Talo ako pag pera ang labanan. Tss

Kinuha ko na lahat ng gamit ko at umalis nako. I texted Zenny na samahan ako sa park alam ko namang hindi nilalagnat yun. Alam lang nyang papasok ako at ayaw nyang makita ang mangyayareng pagpapatapon sakin. Zenny is a soft hearted girl ,kaya nakakainis sya kase iyakin lahat nalang ng nang aapi sa kanya ako ang umaaway. Simula bata pa kami kaya kilalang kilala na nya ko.

Pag punta ko sa park nandun na sya may hawak na dalawang ice cream.

Dati kasi pag inaaway sya at umiiyak binibilhan ko sya ng ice cream para kalimutan na yung pang aaway sa kanya ng mga bata. But this time bumaliktad ang sitwasyon.

"Para sayo tong dalawa " sabay ngiti. Alam kong pilit lang yung ngiting iyon. Naiiyak narin siguro sya sa nangyare sakin kahit hindi sa kanya nangyare yun.

Inabot ko yung isa at dinilaan. Tapos tumabi na sa kanya.

"Kunyare kapa sakin yung dalawa wag nga ako" napatawa sya pero saglit lang.

"Kala ko kase kukunin mo lahat" dinilaan nadin nya yung natirang ice cream.

"umm so san kana lilipat nyan? " napatigil ako sa paglantak ng ice cream at binaba ko ang kamay ko na may hawak nito. Nakatingin ako sa malayo.

"Di ko alam Zen" pumatak nalang luha ko ng di napapansin.  So depressed.

Pinahid koto bago mapansin ng katabi ko.

Nandito kami habang lumubog ang araw.Nang magdilim na ay nauna nang umuwi si Zen.

Nandito nanaman ako. Sa lugar na to umiiyak mag isa sa panibagong kabiguan.

LadyAcel💕

 Instant Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon