November 28, 2014
Lagi nalang akong nasa bahay at hindi parin alam ng magulang ko ang nangyare. Nagkukunyare lang akong papasok at uuwing nakaoniporme pero nandun lang ako lagi sa park. Hindi rin sila tinatawagan ng school. Siguro gusto talaga nilang sakin manggalin yun. Di ko pa kayang sabihin.
Ngayon nakahiga lang ako sa kama at nakatitig sa kisame. Sinabi ko sa papa ko na masama pakiramdam ko at pagpapaliban ko muna ang pagtambay sa park nayon.
Pero bigla atang bumaliktad yung sikmura ko.
Dali dali akong nagtungo ng banyo at dumuwal. Sobrang sakit ng ulo ko pero hindi naman ako nag inum kagabi.
Bigla akong kinabahan sa isip ko. Naligo ako at nagbihis, nagtext narin ako kay Zen na magkita kami sa park.
Bago ako pumunta sa park ay dumaan ako sa drugsstore at may binili.
Pagdating ko sa park ay nagpasama ako kay Zen sa may portable na cr. And yes pregnancy test ang binili ko. Paglagay ko ng ilang drop sa pack ay GOD! Positive.
Lumabas ako na nangangatal buong katawan ko, ang kalamnan ko.Napahawak ako sa braso ni Zen at inalalayan naman nya ako papunta sa bench ng makaupo.
"Ava okay kalang? " hindi pala nya alam kung bakit kami magkikita.
Nakita nyang yung hawak ko at nanlaki ang mga mata nya.
"Buntis ka? " napatabon nalang ng bibig habang di makapaniwala.
"Zen kailangang malaman ni Drian to. " niyakap ako nito habang hinihimas yung likod ko.
Nilabas nya yung phone nya at dinial si Drian. Niloud speaker nya to. Di kasi ako makakatawag sa kanya dahil blinock nako nito pati sa social medias ko.
"Hello? Zenny napatawag ka?"
"umm Drian may gustong kumausap sayo....."
Agad kong inagaw yung phone at lumayo ako kay Zen.
"Drian buntis ako please panagutan mo to. "
"What!? Hindi sakin yan the hell. " panay ang mura nito sa kabilang linya.
"Sayo to alam mong ikaw ang ama nito anong pinagsasabi mong hindi ikaw!!"
Sigaw ko."Pwes kung ako ang ama nyan ay ipalaglag mo! Di pako ready, my parents will be disappointed!! Gawan mo ng paraan yan!"
"How dare...... " binaba nya yung tawag. Dinial ko ulit ito pero nakablock na yung number. Shiit!
Bagsak ang balikat ko ng tumingin ako kay Zenny. Nakatitig lang sya sakin na may halong pag aalala. Tumayo sya at nagtungo sa kinaroonan ko ng malapit lapit na sya sakin ay di ko na kinaya at napaluhod nalang ako sa damuhang tinatapakan ko at humaguhol. Nagpatkbo sya sa nangyare at agad hinimas yung likod ko. Hinayaan lang nya akong umiyak.
Pang ilang pagkakataon bang iiyak ako sa lugar nato?
Ladyacel💕
BINABASA MO ANG
Instant
RomanceDeshry Ava Fillamore ang babaeng dinapuan na ng lahat ng klase ng kamalasan. Pero sa isang iglap in just one snap magbabago kaya ang buhay nya? Lahat kaya ng kamalasan ay papalitan ng kaswertehan?