MSF 9.2 : TAMBAY MODE

13 2 0
                                    

(Narrator muna ako ngayon .. hehe yung karugtong ng vahp 8 .. dadating tayo diyan hahaha nakita ko na kasi ang copy ng MSF ko eh nasa closet ko lang pala nakatago .. grabe .. swerte dina ko mhihirapang isipin yung nakaraang nangyari :D)

Walang pasok ngayon sila FElicity . SO ang ginagawa ng grupo ngayon ay ang tumambay muna ulit sa SM . yan ang gawin ng barkada Kapag wala silang ginagawa . mahihilig kasi silang kumanta kaya andito na naman sila sa CLUB SYNERGY .. mamya na daw sila kakanta ..

" ui bhe laro muna tayo basketball .. dali .. :) ", tawag ni marj kay FElicity 

 " ano kaba bhe , lalaki ka ba at maglalalro ka niyan .. ayos mga nilalalro mo ah . ", sagot ni Fel kay Marj ..

 " eh .. daliiiii na bhe .. ", pilit ni marj ..

 " oo na nga eh .. eto na nga po eh .. *shoot* .. YEY .. ^_^ ang galing ko na wooohh .. Look bhe .. nashoot ko na .. gmagaling na ata ako ahh .. HAHAHA :P " twang-tuwa na sabi ni FElicity 

 Hindi namamalayan ng dalawa na ubos na yung oras nila . kaya ..

" eto may token pa ko .. TULOY NA !!!! yessss .. " sabi ni FElicity mukhang natutuwa na siya masyado maglaro ng basketball nang ....

*BOOOOOOOGGSSSHHHH*

" AWWWWWWW ... ", si Fel na nakaupo padin sa sahig .. Panu natamaan ng bola sa ulo at etong kalaro niya napatigil na rin .. 

" aww .. ang tigas ng bola ahh grabe na itoooo .. Huhuhuhu :'( ", si Fel na parang iiyak na sa sakit ..

SAbay dating ni ....

 " oh !! anong nangyrai sayo ?? ha ? bat ka anjan .. ? anong masakit ?? ,, nag-aalalang tanong ni Ken 

 Hindi nagsasalita si Felicity kaya itinayo na siya nito at ng barkada para makaupo na sa upuan .. (alangan namang pahigain eh wala namang kama dito ) echosss di ata benta ang joke ko hahaha

 Habang nakaupo a si Felicity , eto naman si ken di maiwasang magtanong ng magtanong .. 

 " ano ba talagang nangyari ha ? ano saan ? masakit ?? ano gusto mo > ? sabihin mo >.< ? sunud-sunod na tanong niya kay Felicity 

 " HAHA .. hindi ka naman aligaga niyan ha KEn .. ayieeee OVer na pagkaconcern na yan ahh .. ", pang-asar ni Myleen ..

 " tara na nga kanta na atyo .. Diyan na muna sila .. Hayaan na natin sila makapagusap .. " , Marj

 Pagkaalis nung lima , silang dalawa nalang ang naiwan . Tahimik pa din si felicity ..

 " Asih ang sakit nun ah .. ", sabay hawak ni felicity sa kanyang ulo ..

 " kasi bakit ka naman naglaro nun .. ", pag-aalala ni ken

 " eh masayang laruin eh .. hehe ^-^ ", sagot naman ni FEL

 m" masaya ? masya ka dyan , tingnan mo nga oh may bukol ka na ( sabay hawak nito sa ulo ng dalaga ) ",

 Nagngitian nalang ang dalawa tapos etong sin Felicity inihiga nalang muna ang kanyang ulo sa balikat  ni ken ..

 " hayaan mo munang ganito tayo " si fel ..

 " a.. ah s..sige hehe ", nauutal-utal na sagot ni ken

 Habang ganun ang posisyon nilang dalawa . Hindi na namalayan ni ken na nakatulog na pala ang babaeng katabi nya ngayon . At sabay niya itong inakbayan at sinabing ..

 " kung pwede lang sana tayo , kaso hindi pwede eh .. masyado ka pang bata at gusto ko kahit ganito na lang tayo close na close pa din tayo . basta nandito ka masaya na ako .. " , Sabay hinalikan niya ito sa noo ..

A/N : ayiiee sayang nakatulog kasi si fel ehh . timing nga naman niya oh .. yiiieee :P . Grabe ramdam niyo ba ang gravity ng kanilang mga nararamdaman ?

MY SWEET FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon