"Nakalimutan ko na. Sorry" Ani ko kay Kaye pag katapos nya mag kwento at humingi ng pag sang ayon ko.
"Ano pa nga ba? Sa dinami dami ng kwento ko simula nung high school days natin ni isa atang kwento ko di ka naging interesado" may halong pag mamaktol nya.
Andito kami ngayon sa isang coffe shop malapit sa apartment na tinutuluyan nya hindi kalayuan sa bahay namin.
Humigop muna ako ng paborito kong vanila coffee bago ako tumingin at sumagot sakanya.
"Alam mo kaye sa dinami dami ng kwento mo malay ko pa bang ako yung kasama mo nun. Masyado ka kayang friendly nung highschool tayo lahat friends mo eh" Pag sasabi ko ng katotohanan saknya.
Inayos nya ang kanyang kulutang buhok at inihawi nya ito sa iisang side. "Oo na. Tama kana. Eh basta ayun. Kung ikaw man yun o hindi ang masasabi ko lang naging masaya ako sa mga alala na nabuo natin noon. Memories na patuloy ko itetreasure"
"paka drama naman" sabay irap ko sakanya.
Binato nya lang ako ng plastic ng straw nya bilng pag tugon nya sa sinabi ko.Ganito kami pag mag kasama ni Kaye. Kilalang kilala na ako neto eh kaya panatag ako skanya. She knows me well more than I know myself. Kaya minsan nag tataka nalang ako na mas alam nya pa yung story ng lovelife ko kesa sakin eh. Masyado syang mausisa.
"So ano na nga sasama ka ba sa pa bakasyon engrande ko?" Ani ni Kaye.
Nag aaya kasi sila mag siargao at mag liwaliw dun.
"Hindi ko pa po alam madam. May work po ako. Agad agad ka kayang nag aaya di pa ako nakapag file ng leave"
"Osya sabihan mo ko para ako na mag aadjust sayo. Hiyang hiya naman ako sayo eh" sarcastic na pagsagot nya.
Ewan ko ba at excited na excited syang mag liwaliw eh samantalang mas maganda naman sa US. Pero sabagay wala pa din tatalo sa kung ano ang meron ang pinas kasama ang mga mahal mo sa buhay.
Halos ilang oras din kaming nagpalipas ng oras dito sa shop ng maisipan na naming umuwi na.
"Osya. Bye na. Chat mo nalang ako if nakapag decide kana kelan ng maka pag shopping na ako ng susuotin"
Tumango nalang ako bilang pag tugon sakanya sabay beso na din para makauwi na. Nakaramdan din ako ng pagod sa araw na to. Kahit wala naman ako masyadong ginawa. I'm emotionally and physically drained at hindi ko alam kung bakit.
Dumiretso na ako sa kotse. Binuksan ko muna yung passenger seat para ilagay yung take out cake na binili ko para pasalubong kay mama at tska sumakay na sa kotse para mag drive.
Habang palabas na sa parking lot may isang lalakeng naka tayo katabi ng motor nya. He looks serious and looks familiar. Habang nilagpasan ko na sya alam kong nakatingin pa din sya sakin kaya sinilip ko sya sa side mirror ko. Alam kong sinusundan nya din ako ng tingin.
Ang creepy man! Kaya walang dalwang pag iisip binilisan ko ng konti ang pag mamaneho ng saganon mawala na sya ng tuluyan sa paningin ko.
Ano kayang problema nun. Psh.
Nang makarating na ako sa bahay agad akong nag mano kay mama at iniabot ang paborito nyang blueberry cheesecake. Eto kasi yung lagi nyang pinapabili kay papa nung nabubuhay pa sya kaya kahit hindi man sya mag request kusa ko nalang binibili 'to sakanya. At least sa ganitong paraan maramdaman nya pa ding andito pa din nanatili ang ala ala ni papa.
"Buns, may padala galing sayo nireceived ko nalang wala ka kasi kanina. Medyo mabigat din. Ano ba yan? Online shopping ka na naman?"
Sabay abot sakin ni mama nung box na padala daw sakin.

BINABASA MO ANG
Maybe the night
RomansaAt sa gabing 'to. Ako muna bago ikaw. Ako muna para sa sarili ko. Ako muna bago ang lahat. Pagkatapos ng isang madilim at malamig na gabi. Pipilitin kong ako muna bago ang sandali -Scar