Kanta para sa Mahal Nya

22 0 0
                                    


Kei:
[ nag gigitara at kumakanta]

Nix:
pare ! Kamusta ? Nabuo muna ?

Kei:
oo pare ! Eto tapos na ... Gusto mong pakinggan?

Nix:
wag na bukas nalang ! Galing mo talaga ! Sana magustuhan nya!..
Oohh yun usapan natin ha?

Kei:
aa ... Oo .. [ngumiti pero mejo pilit]

Nix:
salamat talaga !
Kei:
ikaw pa! Kapatid kita ee !

[Umalis si Nixna abot langit ang ngiti ...]

Kei's thought
"bukas na nya maririnig Ng kantang to..bukas na"

[Kinabukasan ..]

Nix:
pare ayan na sya ! Dali !

Kei:
ok ok !

Hein:
nakuha ko note mo Nix .. Anong meron?

Nix:
may inihanda akong kanta , ginawa ko to para sayo ... Kaso alam mo namang wala akong talent sa pag kanta at lyrics lang nagawa ko [sabay lingon kay Kei]kaya nagpatulong ako kay Kei

Kei: [nag intro] [and the song goes like this]
"Mayroong lungkot ,
sayong mga mata na di masabi ...
Kung bakit ...

Nakaraa'y limutin,
puso mo'y palayain
bigyang daan pag ibig natin ..

Kung mapag bibigyan ako'y iyong hayaan na akinin ang puso na dati'y sa iba nakalaan ."

Nix:
nagustuhan mo ba?..

Hein:
oo sobra! [maluha luha] yung lyrics kase Ee .. Galing mo naman sumulat ng kanta!

Nix:
dahil yan sa nararamdaman ko sayo.
Nabuo yan dahil sayo. Sana bigyan mo ko ng chance ...

Hein:
[napangiti] oo naman .. Sana wag mong sayangin tong pagkakataon na to ha ?

Nix:
Talaga? Oo naman ! Pangako yan!

[Masayang umalis ang dalawa matapos makapag pasalamat kay Kei.]

[Naupo si Kei sa waiting shed. Hawak ang gitara , habang ngumingiti sa mga bumabati sa kanya dahil sa ganda ng boses nya at galing mag gitara.]

Missy:
hoy!! Tama ba narinig ko? Gawa ni Nix yun ?! Diba---

[tinakpan nya bibig ng bestfriend at hinila paupo sa tabi nya.]

Kei:
ano ka ba wag ka na maingay ! Mamaya may makarinig sayo ee !

Missy:
ee gago ka pala ee ! Bakit ganun ! Sinulat mo yung kantang yun nun araw na
Iniwan sya ng jowa nya diba?.

FLASH BACK
Hein: Bakit ba ginagawa mo sakin to ? Hindi mo na ba ko mahal ?
Marco: I'm sorry mahal pa kita pero hindi na sapat para mag stay ako sayo ..
Hein: Bakit ? ano bang nagawa ko ?!
Marco: wala !! basta ! mas maganda nang maghiwalay tayo !
Hein: Wag mong gawin sakin to please mahal na mahal kita !

-END Of FLaSH BACk-

Kei:
oo ! pero yaan muna ... Hayaan na natin .. Atleast masaya ngayun ang kapatid ko ... Tama na yun.

Missy:
tsss kala ko ba mahal mo?

Kei:
oo ... Mahal ko din kapatid ko , at alam ko din namang mahal na sya ni Hein tagal na syang nililigawan ni Nix ee

Missy:
so ganun nalang yun sila masaya ikaw nganga?

Kei:
mahal ko nga diba? Kaya kun san sila masaya kahit dun ako NGANGA ok lanG!
andyan ka naman ee ..

Missy:
[namula] ako ? Ano ?

Kei:
andyan ka naman ee isa ding NGANGA kea di pa ko nag iisa! Hehehe

Missy:
gago! hahaha [pilit ang tawa]

Kei:
[natahimik.naiiyak] pero best ang sakit talaga hehe ,
Missy:
talagang masakit! gago ka kase ee !
Kei:
[yumakap sakanya]

Missy's thought
"Gago talaga ! nasasaktan nanaman sya ! Ayan tuloy pati ako damay !.. Nararamdaman ko nanaman tuloy yung sakit na nardaman ko nun hindi nya ko sinipot sa Debut ko dahil nakita nya si Hein .... basang basa sa ulan ... nagmamaka-awa kay Marco.."

FLASH BACK
" Missy ! Ano na anak ?" tanong ng daddy ni missy

"Tayo tayo na ngalang mag cecelebrate ng debut mo ., ganto na ngalang kainan ee diba tayo mag sisimula ?!" angal nito

"Dad Hintayin lang natin si Kei ! parating na yun !" nakngiting sabi ni Missy

Re-reading Text Messages:
Panget: Papunta na po ako ! sorry nakatulog ako ee ! si Nix andyan na ba ? maaga umalis yan ee
Me: Sige bilisan mo na gutom na si daddy !!! hahaha Oo andun sa sala nag lalaro ng PS2 kasama sila John and Gail.
Panget: Okay okay !! papunta na !

Missy's thought
" two hours ago ... two hours ! wala pa ngang isang oras papunta dito mula sa kanila ee !! haaayyyyyy !!!"

"Missy ! Happy Birthday !! " bati ni kuya guard na nag roroving sa village nila

"Thank you kuya !! daan ka dito mamaya pag nandito na si Kei para makapag dala k ng pagkain sa Guard house !" masayang sabi ni Missy

"Wala pa ba dyan si kei ?!" takang tanong ni Kuya guarf

"Wala pa po ee bakit po ?"takang sagot ni Missy

"Nakita ko si Kei kanina sa Park ee .. kala ko papunta na dito" napapisip na sabi ni kuya guard .

"Sige po ! pupuntahan ko sya sa park ! salamat po" nagmamadaling sabi ni Missy

Pag dating sa park na halos 3 street lang ang layo. nakita nya sa likod ng malakimg puno si Kei .. Umiiyak .. at si Hein na nakaluhod at si Marco na nagsasalita.

Sakto sa pag alis ni Marco ay bumuhos ang malakas na ulan. Palapit na sana sya kay Kei ngunit tumakbo ito papunta kay Hein. Tinulak sya ni Hein at pilit paring Hinabol si Marco.

FLASH BACK END

Missy's thought
" Ang sakit naman ... Yung taong pinapangarap ko binabasura lang ng iba."

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Saaaaddddd
That was inspired by Neo Domingo's Original Bulong ng damdamin

you can check it on Youtube here's the link
https://youtu.be/twfil3wL1NE

i made a clip with his song also and posted on Youtube but Unfortunately i forgot my account there. That was when iam still Ms. Red Unfriend and Ms. Someonewhocares if you wanna check it out here's the link
https://youtu.be/lOre1XEphzU

Love and Love UnselfishyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon