Kumot

15.8K 124 4
                                    

"Bes ano ba?!" Inis na sabi ko dito sabay hatak ng kumot sa kanya

"Bes naman eh pa share naman ako ang lamig kaya" malambing na sabi nito sabay bawi ng kumot

"Yun na nga bes eh ang lamig lamig na nga kinukuha mo pa lahat yan ba yung 
share" sabay bawi din ng kumot sa kanya

"Fine papatayin ko na lang yung fan kung ayaw mo" naka pout na sabi nito

"Edi patayin mo sino ba lalamukin"

"Bes naman eh!" parang bata na sabi nito

"Makikitulog ka samin tapos wala kang dalang kumot bala ka diyan" nagulat naman ako ng bigla nito akong yakapin

"Edi ikaw nalang gagawing kong heater sa katawan" mas lalo akong nanigas ng bigla nitong siniksik ang muhka niya sa leeg ko

"Ang bango bango mo talaga bes" namula naman ako sa sinabi nito

"Wa..wag mo nga ako yakapin at amuyin" hindi nito pinansin ang sinabi ko at mas lalo pang sumiksik sa leeg ko

"Ayoko nga!" napabuntong hininga na lang ako sa kakulitan niya

Ako nga pala si Wood Ein Diaz at siya naman ang bestfriend ko na si Chelsea Gamboa High School palang kami magkaibigan na kami at hindi na bago sakin ang pagiging makulit niya at pagiging clingy sakin na hindi niya alam na may malaking epekto sakin,3rd year high school kami ng aminin ko sa sarili ko na mahal ko nga ang bestfriend kong ito sa kanya lang ako tumatawa,nagseselos at mga ibang pakiramdam na sa kanya ko lang nararamdaman tulad ng pagbilis ng tibok ng puso ko kapag malapit siya mga nagrarambulan na mga paru paro sa tiyan ko kapag ngumingiti siya sakin yumayakap at paghalik niya sa pisngi ko
na kinakabaliw ng buong sistema ko

Hindi ko kayang umamin sa kanya dahil alam kong maraming magbabago straight siya anong pag asa ko dun
akalain mo yun 6 year's ko na tong tinatago sa kanya

Tumagilid ako para humarap sa kanya
napaka ganda niya talaga kahit sobrang simple niya lang mula sa maganda niyang mga mata sa matangos niyang ilong at mapupulang labi niya napalunok na lang ako ng mapatitig ako dun

Agad na nagangat ako ng tingin sa mga mata niya nakasalukuyan na nakatingin din pala sakin

Patay nahuli niya ko

Nakipagtitigan din ito sakin na parang walang may gustong pumutol nito

"Bes?"

"Hmm?"

"Umamin ka nga bes may gusto kaba sakin?" seryosong tanong nito

"Hu..huh?" Bigla yata ako kinabahan sa tanong nito

"Bes gusto mo ba ko?" ulit na tanong nito

Agad na nagiwas ako ng tingin at umupo sa edge ng kama

"Sye..syempre naman bes Ma..magkaiban tayo di..diba?" kinakabahang sabi ko dito

Naramdaman ko naman na tumabi ito ng upo sakin

"Alam kong alam mo ang sinasabi ko bes" nagulat ako ng bigla nitong hawakan ang magkabilang pisngi ko at iharap sa kanya "Uulitin ko gusto mo ba higit sa kaibigan?" seryosong pa ring tan ong nito habang nakatitig sa mata ko

"So..sorry bes O..oo gusto kita atually mahal na nga kita eh hindi ko lang kayang sabihin sayo dahil alam kong maraming magbabago sinubukan ko naman pigilan kaya lang talagang nahulog na ko sayo eh ang lalim na nga oh" hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko

"Siguro ngayon galit kana sakin lalayuan mo na ko o pandirian di ko naman ginusto to eh sorry kung minahal kita kahit babae ako wag ka mag alala ako na lang ang lalayo at iiwas sayo" akamang tatayo na ko ng pigilan ako nito mas lalo akong nagtaka ng ngumiti lang ito sakin

"Hindi ko alam na iyakin ka pala bes" nakangiting sabi nito

"Hindi kaba magagalit o mandidiri manlang sakin?" takang tanong ko 

Mas lalo ako nagtaka ng bigla ito tumawa

"Bakit naman ako magagalit at mandidiri sayo?hindi ko alam na ganyan ka pala ka nega kung matagal mo na sinabi lahat ng yan edi sana di ka umiiyak ng ganyan" natatawang sabi nito
kaya mas lalo akong naguluhan

"Di mo na kailangan na umiwas at umalis Wood,Mahal din kita
hinihintay ko lang na umamin kaya lang ganto ka pala ka torpe pasalamat ka at hindi ako manhid dahil baka nakahanap na ko ng iba pasalamat ka mahal din kita ..."

Di ko na narinig ang iba nitong sinasabi at parang pilit na pinagsisink in ang sinabi nito

Mahal din kita

Mahal din Kita

Mahal din kita

"Ma..mahal mo rin ako?" parang tangang tanong ko

Nguniti naman siya at tumango

"Oh my Gosh Chelsea!" di ko mapigilang ngumiti at niyakap siya ng mahigpit 

"Hindi mo alam kung gano mo ko napasaya" narinig ko naman na tumawa ito at yumakap pabalik

"Masya din ako dahil napaamin na kita" kumalas ako sa yakap at tinitigan siya sa mata hanggang sa mapatingin ako sa mga labi niya

"Pwe..pwede ba kita ha..halikan?"wala sa sariling tanong ko habang nakatitig sa mapupulang labi niya

Tumawa ulit ito na parang musika sa pandinig ko

" Oo naman kala ko di muna itatanong eh" nakangiting sabi nito

"Hi..Hindi nga baka mamaya magalit ka ta-" di ko natuloy ang sasabihin ko ng siya na mismo humalik sakin

Parang may biglang mga fireworks na nagliparan at mga paru paro na nagrarambulan sa aking tiyan at ang sobrang pagbilis ng tibok ng puso ko ng maglapat ang mga labi namin sa isat isa

Tulala pa rin ako ng maghiwalay ang mga labi namin

"Hey naging bato kana diyan!" untag nito sakin

"Pwe..pwede ba kita maging Gi..Girlfriend?" hirap na sabi ko dito

Ngumiti naman siya ng matamis sakin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko

"Yes!i really want to be your official Girlfriend" mas lalong nagliwanag ang muhka ko na parang nanalo sa lotto agad niyakap ko ito ng mahigpit

"I love you Chelsea i'm so happy" buong pusong sabi ko 

kumalas ito sa yakapan namin nagtaka ako ng kinuha nito ang kumot  pinagaagawan namin kanina at biglang itinakip samin habang nakaupo kami

"I love you too" kahit wala akong masyadong makita alam kong nakangiti ito dahil sa kislap sa mga mata niya

Wala na kong sinayang na oras at agad na inangkin ang mga labi niya na buong puso naman nitong tinanggap

Wala nang sasaya pa sa buhay kong ito kundi makasama siya sa habang buhay.Hindi rin naman palang masamang umamin siguro isa lang yung pagsubok sa taong mahal natin kung hanggang kailan tayo matatakot at magmahal ng palihim minsan may minamalas minsan may swerte 

And sa side ko ngayon talagang napaka swerte ko dahil makakasama ko na ang taong mhal ko hindi bilang kaibigan kundi isang GirlFriend

Fin.......

Not Edited

MM's OneShotWhere stories live. Discover now