Extra Spicy Challenge

18.4K 116 17
                                    

Naiinis ako sa kanya dahil pa fall siya

Naiinis ako sa kanya dahil laging may ibang kumakausap sa kanya

Naiinis ako sa kanya tuwing nginingitian at kinakausap niya ko

Naiinis ako dahil masyado siya maganda

Naiinis ako sa kanya tuwing pinagtitripan niya ko

Naiinis ako dahil maraming nagkakagusto sa kanya

Naiinis ako sa pagiging mabait niya

Naiinis ako sa mga gesture niya

Naiinis ako dahil madalas makasarili siya

Naiinis ako dahil napaka manhid niya

Naiinis ako dahil hindi manlang niya maramdaman na gusto ko siya

Naiinis ako dahil nagkagusto ako sa kanya

"Sharlene tulungan na kita." eto nanaman ang mga ngiti niya na tumutunaw sa puso ko

"Wag na kaya ko na" sabi ko dito at dere deretso sa paglalakad

Kailangan ko kasi dalin ang mga libro namin sa library at ang mga bwesit kong classmate at kaibigan di manlang ako tinulungan

"Ang bigat kaya niyang mga dala mo hirap na hirap ka na nga oh" tinuro pa nito ang mga dala ko

"Magaan lang toh para sakin" sabi ko dito at patuloy lang sa paglalakad

"Arte naman akin na nga" Sabi nito sabay agaw ng libro sakin

"Kaya ko na sabi eh" inis na sabi ko
sabay hila ko rin ng mga libro kaya nahulog ang mga ito

"Ayan tuloy nahulog ikaw kasi" kamot ulong sabi nito sabay pulot ng mga libro

Nakatingin lang ako sa kanya habang pinupulot niya ang mga ito.Sana ako na lang yung mga libro pinupulot mo kapag nahulog

Sino bang hindi mafafall sa babaeng toh
Nakakainis talaga di bagay sa kanya magbuhat ng libro masyado siya maganda

"Tara na?" nabalik naman ako sa reyalidad ng magsalita ito

"Akala ko ba tutulong ka lang halos ikaw na nagbuhat lahat" sita ko dito

Ngumiti naman ito yung ngiti na magpapabilis ng tibok ng puso ko

"Hindi kasi bagay sayo ang magbuhat ng libro masyado ka maganda pra dito" Naramdaman ko naman ang pamumula ng pisngi ko kaya nag iwas ako ng tingin
dapat ako nagsasabi niyan eh

"Ba...bala ka nga mahirapan diyan" Ngumiti lang siya sakin at sumunod

"Pinadala talaga sayo lahat toh?" tanong nito

"Walang gustong tumulong syempre dahil mabait ako,ako na ang nagbuhat pero dahil makulit ka ikaw ang maghirap" Natawa naman ito

"Anong tinatawa tawa mo diyan?" pagsusungit ko dito

"Wala lang,ang cute mo kasi"

Ang cute mo kasi

Ang cute mo kasi

Ang cute mo kasi

"Ayiee Kinilig siya" mapang asar na sabi nito

"Tse!" pagsusungit ko pa sabay palo sa braro niya pero deep inside kinikilig ako

"Uy!Baka malaglag ang bigat pa naman" Sabay ayos niya ng pagkakahawak sa mga libro

"Akin na yung kalahati ako na magbubuhat" Kukunin ko na sana pero agad niya itong iniwas

MM's OneShotWhere stories live. Discover now