Chapter 8: The Decision and Her Birthday! (part 1)

8 1 0
                                    

Berly's POV

Ngayong araw ko sasabihin kay Karl na tutulungan ko siya. Buo na ang desisyon ko, hinanda ko na yung sarili ko sa maaring mangyari! Handa na akong masaktan! Maging masaya lang siya!

Nandito ako ngayon sa hallway mag-isang naglalakad ang magaling ko kasing mga kaibigan iniwan ako. Nauna na sila dito,Ewan ko sakanila ba't ang aga nilang pumasok.

"Berly!" Oppss..parang may tumatawag yata sakin. Matingnan nga! Dahan dahan akong lumingon at nakita ko yung mga baliw kong kaibigan!

"Kanina pa kita tinatawag!" -mikay

Siya pala yung tumawag!

"Bakit?" Sabi ko, kunyari galit.

"Galit kaba?"- Oleyv

" huh? Hindi ah!"sarkastikong sabi ko.

"Tssk,sorry na!"- Hazel

" oo nga! Sorry na Berly!"- Angeline

"Apology accepted!" Sabi ko..

"Yehey!" Sabi nila at tumalon.

Parang mga bata!

"Itigil niyo nga yan!para kayong siraulo!" Sabi ko.
Nagsitigil naman sila. Good girls!

"Tara pasok na tayo!"- Oleyv.

" teka lang! Anong ginawa niyo? Ba't ang aga niyo!"tanong ko, syempre alam kong may ginawa sila!

"Wala! Nagpahangin lang!" Sabi ni mikay!

"Oo,nagpahangin lang kami!"-Angeline

" tama!"-Hazel

"Yah!"-Oleyv

"Palusot pa kayo!"sabi ko.

" huh? Nagsasabi kami ng totoo!"-mikay.

"Kilala ko kayo,alam kong may tinatago kayo sakin. So spill it!" Galit na sabi ko.

Hindi na to tama eh! Sa tuwing tatanungin ko sila lagi nalang wala' yung sagot nila!

Nakakainis lang kase isipin, kaibigan ko sila pero parang wala silang tiwala sakin. Hindi nila sinasabi yung mga ginagawa nila at kung saan sila nagpupunta! Kaibigan pa ba tawag dito?

"Sorry pero hindi pwede!"-Angeline.

Kita niyo na! May tinatago talaga sila!

" Edi inamin niyo ding may tinatago kayo!" Inis kong sabi!

"Sorry!"-Oleyv.

" sorry? Kaibigan ko ba talaga kayo?" Nakita kong nagulat sila sa sinabi ko.

"Kase parang hindi eh! Palagi nalang ba ganito sa twing tatanungin ko kayo 'wala' lang yung isasagot niyo?" Dugtong ko pa.

Fall In Love With A Wrong PersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon