Chapter 12: Will you be my Girlfriend? (part 3)

2 1 0
                                    

Karl's POV

Nasaan na kaya si Berly? Baka nag back out na siya! Naku! Wag naman sana!!

Para na akong sira dito,ikot lang ako ng ikot!

"Hoy para kang sira jan!" Sigaw sakin ni Leomer.

"Eh panu ba kase,wala pa si Berly!" Sabi ko.

"Hala! Baka hindi niya kinaya! Ikaw kase eh! Bakit siya pa yung hiningi-an mo ng tulong!" Paninisi niya sakin.

Baka nga! Eh kung hanapin ko nalang kaya siya?

"Ikaw na muna Bahala dito, hahanapin ko lang siya!" Sabi ko.

"Ok sige, ikaw bahala!" Sabi naman niya.

Tumango nalang ako at, tumakbo palabas ng room.

Habang tumatakbo ako, nakita ko si mikay.

Diba magkasama sila ni Berly kanina?sabi ko sa isip ko.

Tanungin ko kaya siya!sabi ko ulit sa isip ko.

Nang makalapit na ako kay mikay, huminga muna ako ng malalim..

"Mikay, nakita mo ba si Berly?" Tanong ko.

Malamang! Magkasama nga sila kanina diba?sabi ng isip ko.

Ay! Letse!! Punyemas tong isip na to! Kinontra ba naman ako!!hayyyy...

"Ah, oo! Sumakit yung tiyan niya kaya pina uwi ko muna siya!" Paliwanag niya.

"ANO?? Pinauwi mo siya?" Pasigaw kung sabi.

"Tssk, oa much??tsaka wag ka ngang sumigaw masisira eardrums ko sayo eh!" Mahinahon niyang sabi.

"Ba't mo ba siya pina uwi? Pano na yung plano ko?ayokong sumablay no!" Nag-aalala kong sabi.

"Bingi kaba!!sumakit nga yung tiyan niya! Ano ba, gamitin mo naman yung utak mo!" Inis niyang sabi.

"Sorry, pero ayokong sumablay!" Sabi ko.

"That's why I'm here!" Sabi niya.

"So?" Sungit kong sabi.

"Aissh! Common sense naman Karl! Sayang yung braincells mo!" Naiinis na niyang sabi.

Fall In Love With A Wrong PersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon