2: Bar

43.8K 913 43
                                    


Chapter 2
Bar


Pagkatapos ko pumunta sa office ni Mrs. Salazar ay dito na agad ako sa bar dinala ng mga paa ko. It's already eight in the evening, at ayoko pang umuwi. Ayoko ipakita sa kaibigan ko na nasasaktan ako ngayon. Na umiiyak ako ngayon.

Damn! Sana tuluyan na lang akong nawala. Kesa ang maranasan ko ang ganitong sakit na pinaramdam niya ngayon sa akin.

I wipe my tears as I drink my wine as if para lang akong uminom ng purified water. Biglang gumuhit ang pait sa aking lalamunan. For many years, ngayon ko na lang ulit ito natikman. And I like it bago sa panlasa ko.

I drink, dahil gusto ko magpakalunod sa alak kahit bawal na bawal sa akin ang uminom, lalo na ang matatapang na alak. Pero ginawa ko because I want to erase all the pain I’m feeling right now.

I know this is not the right place for me to forget the pain. Pero minsan lang naman ito. Gusto ko lang talaga makalimot sa lahat ng pinagdaanan ko sa buong buhay ko.

I drink my second order. Straight tulad ng nauna, napapangiwi pa nga ang babaeng bar tender sa aking ginagawa.

Well, this is me before. A call girl, a whore, a slut who needs money to survive in life. Madalas akong umiinon noon sa bar. Logan and I met at the Bachelor's VIP's bar. Sa isang napakasikat na bar na pang-mayaman na tulad niya.

He's always my customer every other night. Every other night lang din kasi ang duty ko sa bar na 'yon. Logan is friendly, hanggang sa naging ito na ang regular customer ko. Hindi ako ang tipo na nakikipagkaibigan sa mga customer. But Logan is different, he's a good person, a perfect gentleman. Also, he's different among the other billionaire's who I've encountered. Kaya madali niyang nakuha ang loob ko. Kahit pa pinakapinigil-pigilan kong mahulog sa kanya nang tuluyan.

Logan knows everything about me and my messy whole life.

I'm only 19 years old back then, and he's five years older than me. Tuwing Martes, Huwebes at Sabado lang ang pasok ko sa VIP'S Bar noon dahil estudyante rin ako sa umaga.

I need that job back then to survive, kahit ayoko sana sa trabahong 'yon dahil nakakabastos at nakakapanliit ng sarili. But I have no other choice. ‘Yon lang kasi ang madaling hanap-buhay na madali.

I know there's another job, pero ‘yon ‘yong instant na malaki ang kita. Hindi na kasi uso sa panahon kong iyon ang dignidad ko. Practical, ‘yon na kasi ang uso. At iyon ang pinairal ko. But I'm standing proudly with my pride, kasi buong-buo pa ang pagkatao ko nang ipagkatiwala ko ang lahat-lahat noon kay Logan.

Ulilang lubos na ako noon, and since I was young ay palaboy-laboy na talaga ako. Nasubukan ko na rin ang iba't ibang pagmamaltrato ng ibang tao. Kinupkop ako noon ng mag-asawang walang anak. They educate me to serve them in return. Lumaki at tiniis ko ang lahat sa kamay ng umampon sa akin, until I was second-year high school, hindi ko na nakayanan at lumayas na ako ng tuluyan sa puder ng mag-asawa. I did that because nasa punto nang nanghaharas ang kinikilala kong ama. He almost take my innocence at bigla akong nandiri sa amang kinilala ko.

My only dream back then was to finish my studies, ‘yon naman talaga ang gusto ng lahat ng kabataang tulad ko na gustong makaahon sa hirap ng buhay.

Sa paglalayas ko ay may nakilala ako noon na isang babae, limang taon lang ang tanda sa akin. She helps me in everything, she warmly opens his door for me. Napakabait niya sa akin at matulungin, even if she doesn't know me, even were not a family ay binihisan, inaruga, pinatira at pinag-aral niya ako. Tinuring din niya akong parang totoong nakababatang kapatid nito. But it's so unfair, kung kailan nakahanap na ako ng taong karamay sa masalimuot kong buhay ay s'ya namang pagkawala nito. Nasa second-year college na ako nang mawala ito. Pinatay siya ng mayamang matanda na naging customer niya sa club. Naging obsess kasi sa kanya ang customer niyang iyon na ikinapahamak niya.

To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon