*Relationship, Problems and The Lesson"
by @AkoSiPrinsesas
Write with your own and don't copy. Bawal ang cheater because you'll become a loser.
Copyright © 2014
★The Beginning★
Paano nga ba isuko ang relasyong halos bumuo na ng iyong buhay. Paano nga ba makakalimutan ang taong mahal mo kung bawat sulok ng mundo'y andoon ang ala-alang wala ng makakabura pa kahit sino. Susuko ka na lang ba o ipaglalaban mo ang nararamdaman mo?
******************************
Bearna's POV
Limang buwan na rin pala ang nakalipas simula noong bumagsak ang mundo ko at hangang ngayon hindi pa rin ako nakakaahon sa pangyayaring iyon.
Hangang ngayon ay naririto pa rin ako sa aking kwarto, nagmumukmuk at iniiyakan pa ang nangyari sa buhay ko.
*flashback*
Masaya akong naglalakad noon pauwi habang yakap-yakap ang malaking teddy bear na bigay ng pinakamamahal kong boyfriend na si Polar at inaalala ang supresang ginawa niya nang bigla na lang akong salubungin ng aking tiyahin na hingal na hingal at mukhang galing pa ito sa pag-iyak.
"Erna, kailangan mo ng umuwi. Ang iyong pamilya." Mahigpit niya akong niyakap at tumangis siya ng pagkalakas. Doon na ako kinabahan ng todo-todo at nabitawan ko na ang dala-dala ko at mabilis na tinakbo ang aming bahay.
Napakaraming pulis ang nakatayo sa pintuan ng aming bahay. Marami ring reporters ang panay ang kislap ng kanilang camera at pinipilit na interviewhin ang aking mga tiyahin. Nabaling naman ang tingin nila sa akin at agarang naglapitan ang mga reporters.
"Ms. Gomez, ano pong nararamdaman mo sa nangyari sa iyong pamilya?"
"Ms. Gomes, may kinalaman po ba sa politika ang pangyayaring ito?"
Tanong dito tanong doon ang napapakinggan ko. Patuloy na dumaloy ang aking luha kahit hindi ko pa nalalaman ang nangyayari. Bigla kong tinakpan ang aking mga tenga, umupo at sumigaw ng napakalakas.
"PLEASE SHUT YOUR F*CKING MOUTH."
Tumahimik naman ang paligid at lumapit sa akin sina Tito at Tita para alalayan ako papasok. Hinang-hina ang aking mga tuhod at lumong lumo sa aking mga narinig.
Nakita ko ang aming bahay na gulong-gulo ang mga gamit. Kinuha ko naman ang basag na litrato namin at patuloy na tinungo ang kinaroroonan ng aking buong pamilya.
Bumungad sa akin ang mga dugong nagkalat sa sala at pati na rin ang mga imahe ng tao na nakatalukbong ng kumot.
Isa-isa kong binuksan ang mga bangkay na ito at mas nadurog ang aking puso ng masilayan ko sina Mommy Daddy at ang mga kambal kong kapatid na sina Bimbi at Biboy na wala ng buhay.
"MOMMY DADDY, BIMBI BIBOY..." tumatangis na sigaw ko. At mula roon ay unti-unti ng nagdilim ang aking paningin.
*end of flashback*
Tumulong muli ang aking mga luha. Buong buo pa rin sa isip ko ang nangyari sa pamilya ko. Galit na galit pa rin ako sa mga magnanakaw na nanloob sa bahay namin. At hangang ngayon ay hindi pa rin nakukulong ang mga tarantadong iyon.
Ngayon ay nakikitira ako sa aking Tita Roseberry, na kapatid ni Mommy at Tito Coco Jam, ang asawa niya. Wala rin naman silang mga anak kaya sila na ang nagkupkup sa akin. Sa kanila na rin muna ipinaubaya ang mga businesses na ipinundar ng aking mga magulang.
Bumangon na ako sa aking kama para maligo at dalawin ang puntod nila. Natapos na ako sa aking paliligo. Inaabot ko ang sapatos ko mula sa itaas ng bigla na lang nahulog ang katabing box at nangalat ang mga laman nito.
BINABASA MO ANG
Relationship, Problems and the Lesson (Collection of One Shot)
Short StoryIn a relationship, marami tayong ibat ibang feelings na mararanasan tulad na lang ng mga makikita mo sa facebook kapag mag popost or status ka. But some people still not aware of consequences that a relationship may bring. Marami na ang nasaktan, um...