Greatest Love by AkoSiPrinsesas
Nagsimula ang lahat dahil sa competition patungkol sa kanilang nalalapit na pagtatapos. Ang hinahangad nila ay makuha ang titulo ng pagiging Valedictorian pero they have different purposes.
"At ang nanalo ay walang iba kundi si ?" sigaw ng host ng naturang paligsahan.
"Please call my name. Please. Please" bulong ni Martty sa kanyang sarili habang nakacrossfinger.
Naghihintay rin si Arvin Chester sa tabi at nananalangin rin na sana siya ang mananalo sa event na ito.
"MS. MARTTY GARCIA." Sigaw ng host.
"WAAAAAH I won. I won. " Tumatalon-talon na sigaw ni Martty.
Umakyat siya ng stage para kunin ang ika-lima niyang medalya para sa araw na ito. Sa wakas ay lamang na siya kay Arvin. Muli ay siya na naman ang nakakuha ng mas mataas na marka para sa mga academic subject.
Pero may kahinaan rin naman si Martty, hindi siya ganoon kagaling sa mga extracurricular activity ng kanilang paaralan. At sa parting iyon naman mas bumabawi si Arvin, lahat ay ginagawa niya upang maging Valedictorian at makuha ang inaasam-asam niyang full scholarship para sa nalalapit na pagpasok niya sa kolehiyo.
Martty has everything. Mayaman siya, maganda at higit sa lahat may supportive na magulang. Unlike Arvin, wala siyang yaman at ang kanyang ina ang tanging sumusuporta sa kanya dahil sumakabilang bahay na ang kanyang ama. At mas masakit sa lahat, may lung cancer ang ina niya at nasa stage 4 na ito at kinakailangan ng mga gamot upang malunasan ang ganitong sakit.
On the day of the result for who will be the Valedictorian, Martty won. And that was the greatest failure for Arvin.
One time, binisita ni Martty sa hospital ang kanyang Auntie Lorna dahil nahighblood ito. Habang naglalakad siya, nakita niya ang kanyang greatest enemy na si Arvin. At dahil sa kanyang curiosity kung bakit andito ang lalaking ito ay kanya niya itong sinundan. Pumasok sa isang kwarto si Arvin at naiwan namang may guwang ng konti ang pinto kaya rinig na rinig ni Martty ang pinag-uusapan sa loob.
"Doc, kamusta nap o ang nanay ko." Tanong nito.
"Iho tatapatin na kita. Mas lumalala pa ang sakit ng nanay mo at kinukulang na siya sa mga gamut. Hindi naman sapat ang tulong na binibigay ng mga kamag-anak mo upang matustusan ang pangangailangan ng iyong ina. Iho, kailangan mong gumawa ng paraan na mamaintenance ang kanyang gamutan." Paliwanag ng ni Dr. Alvarez.
Lumabas naman ito at dali daling nagtago si Martty sa likuran nito. Naupo si Arvin and uttering words while crying.
"Anong gagawin ko, paano ko mapaipapagamot si nanay gayong mas lumalala pa ang sitwasyon ko sapagkat hindi ko nakuha ang scholarship na inoffer sa akin."
Nagulat si Martty sa kanyang napakinggan. Hindi niya inaasahan ang ganitong pangyayari. May kirot siyang naramdaman lalo pa at siya ang dahilan ng pagkawala ng scholarship nito.
"Kailangan kong bumawi, gagawa ako ng paraan upang makatulong sa kanya." ang tanging naisip niyang tamang gawin.
Kinaibigan niya ito subalit napakahirap ito para kay Arvin. Pero hindi sumuko si Martty, lahat ng pwedeng maitulong niya ay ginawa niya. She finds charity for Arvin's mother, scholarship and even part time job just to help him. But Arvin has no choice, he accept it in one condition.
"I'll accept it if magiging fair tayo sa isa't isa. Dahil tinulungan mo ako tutulungan din kita sa mga bagay na hindi mo kaya. So is it a deal?"
"Deal." At nagshakehands sila.
"Friends?" tanong ni Marty.
"Friends." Sagot naman ni Arvin.
Naging magkaibigan ang dalawang greatest competitor. Parehas naman sila ng paaralan, Martty gets a full scholarship while Arvin gets a half scholarship plus an allowance for being a working student.
Lagi namang binibisita ni Marty si Nanay Edna, ang ina ni Arvin at mas bumubuti na ang lagay nito. Naging close din si Arvin at ang mga magulang ni Marty sapagkat nag papartime job ito sa isa sa mga coffe shop ng mag-asawa.
At saan nga ba nagsisimula ang pag-iibigan, eh di syempre sa pagkakaibigan. Ang closeness nila sa isa't isa ay nagging dahilan upang mahulog ang puso nila. Subalit ni isa sa kanila ay walang gustong umamin.
May isang mayaman at gwapong lalaki ang nag-insist na ligawan si Martty. Hindi naman agad niya itong naipaalam kay Arvin. Sa hindi inaasahang pagkakataon, habang namimili si Arvin ng gamit para sa gagawin niyang project ay nagtagpo ang landas nila ni Martty kasama ang manliligaw nitong si Antony. Nasaktan at nagselos ng lubos si Arvin subalit itinago niya ito sa harap ni Martty.
Kinagabihan naglasing si Arvin. Hindi niya matanggap na wala na siyang pag-asa para mahalin si Martty.
At dahil sa tama ng alak, tinungo ni Arvin ang bahay ni Martty at doon nagsisgaw sa labas.
"MARTTY, lumabas ka diyan. Isama mo na ang pangit mong manliligaw."
Agad-agad namang lumabas si Martty kasama ang kanyang mga magulang. Hindi alam ni Martty kung matutuwa o maiiyamot siya sa mga sinasabi ni Arvin.
"Arvin ano bang sinasabi mo. Halika nga sa loob at ng makainom ka ng kape." Paglapit niya dito.
"Ano kamo Martty, Halikan? Hindi pa nga tayo halikan agad. "
"Ulol ka talaga." Sabay batok kay Arvin.
"Aray naman. Sinasaktan mo na nga puso ko binabatukan mo pa ako." Namula naman si Martty sa kanyang narinig.
"Anong sinasaktan?"
"Hindi mo pa ba halata Martty, mahal kita. Simula pa noong tinulungan mo ako hangang sa nalaman at nakilala ko kung sino ka. Mahal kita Martty." At mula roon ay mariing hinalikan ni Arvin si Martty.
"Ehem Ehem." Tighim naman ng Daddy ni Martty. Napatigil naman ang dalawa sa kanilang ginagawa at nahiya.
"Ay Tito at Tita magandang gabi po." Mahiya-hiyang sabi ni Arvin kahit hilong-hilo na siya. "Oo nga po pala pwede po bang umakyat ng ligaw sa inyong anak."
"Hala gabi na ipagpabukas niyo na lamang iyan. " matawa-tawang sabi ng Daddy ni Martty sabay kindat kay Arvin.
After a couple of month nagging sila but it is not yet the happy ending. It is just the beginning of their love story.
BINABASA MO ANG
Relationship, Problems and the Lesson (Collection of One Shot)
Cerita PendekIn a relationship, marami tayong ibat ibang feelings na mararanasan tulad na lang ng mga makikita mo sa facebook kapag mag popost or status ka. But some people still not aware of consequences that a relationship may bring. Marami na ang nasaktan, um...