Prologue

8 1 0
                                    

Pilit kong iminumulat ang namamaga kong mata at madilim kong tinignan ang taong gumawa nito sa akin.

"Wala kayong kwenta!" Matapang na bulyaw ko sa kanila pagkatapos kong duraan sila ng may kasamang dugo ngunit patuloy rin ang paglandas ng luha sa aking mukha.

Ang suot kong uniporme ay tila mukha nang basahan dahil halos sira-sira na at puno na nang putik at dugo na lumalapat doon.

Muli akong sinikmuraan ng lalaking akala ko'y kakampi ko ngunit nandito ngayon para pabagsakin at patayin ako.

Di ko na napigilan ang pagbulwak ng dugo saking bibig nang sunod sunod na kong sinutok sa sikmura.

"Ughh! Tama naaa!" Sigaw ko ngunit malakas na tawanan lamang ang nangibabaw sa apat na sulok ng abandonadong gusali.

"Hayop kayo! Magbabayad kayo!" Pilit kong tignan ang lalaki kahit na hinang hina na ko ngunit wala man lang kaemosyon emosyon ang pagganti ng tingin niya sakin.


Pilit ko ring pinapatapang ang boses ko ngunit hindi ko maitatanggi na ang pag iyak nalang ang magiging sandalan ko sa panahong ito.

Hindi ko malilimutan ang mga mukhang lumapastangan sa akin.

Halos di na kaya ng katawan ko kaya unti-unti ko nang ipinikit ang mata ko. Hindi ko na kaya.

Magbabayad kayong lahat!

VENGEANCE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon