Chapter 1

10 1 0
                                    

Changes

Tatlong taon din. Sa wakas...

Bumaba ako ng may ngiti sa labi at inaalala ang mga paghahandang ginawa ko at kung ano ang magiging resulta nito. Bumaba na rin ako para kumain ng breakfast dahil medyo napagod kasi ako sa mga ginawa ko kahapon.

Nadatnan ko si Kuya Josiah na kumakain na sa lamesa.

"Handa ka ba sa gagawin mong yan?" Tanong niya habang seryosong nakatingin sa'kin at walang pag-aalinlangan akong tumango habang naka ngisi at umupo sa katapat niyang upuan.

Halos tatlong taon na rin simula nung natamo ko ang matinding paghihirap sa talambuhay ko.

Bago mangyari ang hindi inaasahan na nangyari sa buhay ko, minsan na rin akong pumasok sa lintek na Leighton Ford University na yan. First year lang ako nun. Pagkatapos nun, para nawala ang lahat sakin... Pati mismong sarili ko di ko mahanap.

Simula ng pangyayari na yon, nabalitaan ko nalang na hindi na nila pinapagsama ang lalaki't babae sa isang klase. Gumawa sila ng magkahiwalay na classroom para sa babae't lalaki.

Unfair! Bakit di pa nila naisip yan noong nag-aaral pa ko jan! Kainis!!

Kaya kailangan kong magpanggap bilang isang lalaki.

Natapos ko naman ang first year ko sa pamamagitan ng home study. May pumupuntang guro na nagtuturo sakin.

Dinala rin nila ako sa States para makalimutan ang nakaraan pero sadyang nakatatak na yon sa pagkatao ko.

Sa bawat peklat na makikita ko sa katawan ko, sila ang nakikita ko.

Kaya gusto ko ulit ipagpatuloy ang pag-aaral ko bilang fourth year, dahil sapat na ang kakayahan ko para harapin ulit sila.

Hindi sa ibang paaralan... Kundi sa kung saan nagsimula ang lahat.

Leighton Ford University..

Hindi bilang isang babae, kundi isang mapagpanggap na lalaki.

Sanay na ako sa pagpapanggap na lalaki dahil simula ng magising ako sa pagka-comatose, yun agad ang nasa isip ko.
Linlangin sila bilang bagong ako.

Tatlong taon ko na 'tong pinaghandaan. Dahil siguro sa matinding galit kaya ako nagkaganito.

Nagpagupit ng panlalaki, nagsusuot ng damit panlalaki, lahat-lahat ng gawain na panlalaki tinuro sa'kin ni Kuya Josiah kasama na don ang pagiging malakas. Medyo lumaki na rin ang boses ko dahil sa pinagawa niya sa'kin para daw mas makatotohanan.

Bukas ang first day of school nila.. este namin. Kumuha ako ng exam para makapasa bilang official fourth year student at siya namang ipinasa ko kaya napapunta ako sa Star section ng boys section. Hindi din naman ako nahirapan sa pagpasa ng mga yon dahil may utak din naman ako, hindi lang talaga halata.


Hindi na rin naman ako nahirapan na mapaniwala sila na tunay nga akong lalaki dahil sa tindig kong itinuro ni kuya Josiah.

Binago din ang birth certificate ko para mas makatotohanan na dating Female na naging Male.. Dating Quinn Aislinn Miller naging Reign Venjamin Gilmore.

Reign means "manaig" o "maghari" and Venjamin means "vengeance" o "maghiganti".

Si Kuya Josiah ang nagpangalan nyan sakin. Para daw matandaan ko lagi ang pakay ko at para mas maging matigas ang puso ko na minsan nang lumamon sa pagkatao ko dahil sa panlalambot ng puso ko na maawa sa iba na siyang kinapahamak ko. Fvck that mercy!!

Humanda kayo sa pagbabalik ko!!


Sa tatlong taon kong kasama si Kuya Josiah, natuto na rin akong magmanage ng company, naging kilala na rin ako sa States dahil sa pagma-mamanage ko ng company bilang isang lalake.

Kailangan ko din mag-earn ng information tungkol sa akin bilang isang lalaki para ako pagdudahan.


Si Kuya Josiah lang ang nakakaalam ng sekreto ko. Kahit si Tita hindi niya din alam na babae ako dahil simula ng dumating ako dito sa Pilipinas galing sa States, pinakilala ako ni Kuya Josiah as his cousin sa father side niya at bilang tunay na lalaki. At gusto ko daw maranasan ang manirahan sa Pilipinas.

Minsan kahit gusto ko nang sabihin kay Tita Clorisse kaso lagi akong pinipigilan ni Kuya dahil kapag mas marami daw nakakaalam, mas malaki ang possibility na mabuko kami at kapag nangyari yon, hindi na ko makakapaghiganti sa sumira sa buhay ko! At ayokong mangyari yon!


Laking pasasalamat ko dahil laging nasa business Trip si Tita kaya medyo hindi kami nagkikita at less possibilities na masabi ko sa kanya.


Excited na akong pumasok muli sa Leighton Ford University. Inihanda ko na ang uniform ko na may kulay sky blue na polo at may pampatong na kulay navy blue na vest na long sleeves.


Parang kailan lang naiilang pa akong magsuot ng malalaki at panlalaking t-shirts. Ngayon gustong gusto ko na. Natatawa pa nga ako noon kasi pilit na pinapasuot sa'kin ni Kuya yung brief na may bulsa. Na kung hindi ko daw isusuot, sya daw ang magsusuot nun sa'kin at nakakahiya yun. Kahit magpinsan kami ayoko rin naman ipakita nalang basta sa kanya ang katawan ko. Hell no! Lalake pa rin siya at babae ako hindi nga lang halata ngayon.


Tinuruan na din ako kung paano mag-seduce ng isang babae sa bar. Mayroon akong ginagamitan ng art of seduction pero hindi naman umaabot sa pakikipag kiss. Tamang papahulugin lang tapos iiwan na. Gagamitan ng flowery words tapos, tapos na. Jump to another na naman. Hindi naman ako dakilang flirt Ewww! Babae sa babae? Yuck!!


Meron pa ngang nag gi-give in agad. Tss kung tunay sigurong lalaki ang nilapitan niya, malamang sa malamang nawalan na to ng V-card.


Mga babae nga naman, masyadong marupok. Mabilis bumigay. Tsss...


Kasi sabi ni Kuya kailangan kong ma-master lahat ng mga ginagawa ng lalaki. Sa maliit man na bagay o kahit sa malaking bagay. Lalo na kapag nakalubilo ko na ang mga magiging kaklase ko na puros lalaki.


Handa na ba talaga akong harapin sila?

Meron kasi sa parte kong hindi pa kayang harapin sa sila dahil naaalala ko yung mga nakaraan na pilit kong tinatakasan. Na kapag nakikita ko sila, parang bumalik yung mga nakaraan na parang kahapon lang pero may parte naman akong nangangating makita sila para gantihan na naging dahilan ng pagiging bato ng puso ko.


Gusto kong palitan ang pangyayaring yon, na sila naman ang naghihirap at ako ang malayang nakakagalaw ng may ngiti sa labi.


Galit na lang ang bumubuhay sa bago kong pagkatao.

Mukhang handa na ako..

Handa na kong gantihan kayo...

VENGEANCE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon