" Pag umiyak ka ba tingin mo babalikan ka nya? Hindi naman diba? Nagsayang ka lang nang luha mo. "
"Tama na ang pagpapakatanga."
"Di mo naman na kayang ibalik yung nakaraan"
"Kalimutan mo na sya, Sinasaktan mo lang yang sarili mo"
"Mag move on ka nalang kaysa lalo ka pang masaktan."
Tama lang naman yung sinabi sakin nang bestfriend ko eh pati mga pinsan ko. Pero bakit parang walang pinapakinggan yung tenga ko? Patuloy parin sa pagpapakatanga para sa kanya.
Ganito ba talaga? Ganito ba talaga ang mararamdaman mo pag unang beses mong magmahal at masaktan? Tama nga ang sabi ni Dad.
"Kung di ka pa handang masaktan. Hindi ka rin handang Magmahal."
Di ba pwedeng magmahal lang para maging masaya at wag nang may masaktan?
