~~ Shantal POV ~~
Gosh. Second year high school na rin ako. Siguro naman may kilala na ako sa mga magiging clasmate ko unlike nung 1st year. Hinanap ko yung pangalan ko sa bawat room. Nung first year ako nasa section A ako ngayon kaya.
"Shantal Marie Corpuz!" May tumawag saakin kaya naman napalingon ako.
"Oh anong problema nyo?" Tanong ko sa kanila.
"ito naman! kakakita lang natin ganyan ka pa!"
"Suri naman! Bakit ba?"
"Namiss ka namin shan! Kainis nga eh"
"Bakit?"
"Shan section A parin kami....ikaw sa B kana."
"Really? Gosh congrats! Well i have to go now gusto ko nang makita yung room ko. Bye the way na miss ko rin kayo!"
"Talaga shan?"
"Yup! Sige na bye"
"Bye Shan"
Ineexpect ko na to. Kaya nga una akong naghanap sa mga lower section eh. By the way sila yung mga friends ko nung 1st year ako. Si Aivy and Angela love na love ako nang mga nyan.
Pagdating ko sa tapat nang room nakita ko agad yung pangalan ko sa listahan. Pumasok na ako at nag hanap nang Vacant seat. May nakita naman ako kaagad duon sa second row tabi nang bintana. Lumapit ako at inilapag ang bag ko. Nilibot ko yung mga mata ko sa paligid pero isang tao lang ang kilala ko. Si kuya Nico .Classmate ko rin sya nung first year sya yung pinakamabait sa mga lalake nun. Tumingin sya saakin at nginitian ako ngumiti din naman ako sa kanya. Sabay binaling ko yung tingin ko sa labas.
Maya maya lang nagring na yung bell. Witch means may flag Ceremony ang pinaka ayaw ko dito sa school. Nagsilabas ang lahat at sumunod na din ako. Nakipila ako kung nasaan yung mga namumukaan kong classmate ko. Biglang may nagsalita sa stage. "Good morning Everyone" Bati nya. Muka syang masungit. Matanda na rin. "Im Felicia Bueno, Ang bagong prinsipal dito sa CNHS" Nagsipalakpakan sila. Parang di ko sya feel na maging principal dito sa school. Feeling ko napaka strict nya. "O sige ganito ha pag tinawag ko ang bawat year papalakpak! Ok ba yun?" Ok ginagawa nya kaming uto-uto. Sumagot naman ang iba at mukang exited pa. "Nasaan ang first year!" Sigaw nya at nagsipalak pakan naman sila. May kasama pang hiyawan. "Wow! energetic ang mga freshman natin ah! Ok Pano naman ang second Year!" Mas malakas ang hiyawan nang second year. Nakipalakpak nalang ako. Ganon rin ang ginawa nya sa Third year at Fourth year.
Matapos nang pagiging uto-uto namin na yun. Nagsimula na kaming umawit nang Pambansang Awit. Syempre bilang pagrespeto umawit narin ako. Matapos namin umawit nanumpa naman sa watawat at ang pinaka ayoko sa lahat Exercise. Nababanas ako pag exercise na kung ano anong pinapagawa saamin. Kaya heto ako parang tuod na nakatayo at naka pamaywang lang.
"Pst. Shan mag exercise ka! " Sigaw saakin ni Aivy. Magkalapit lang kasi yung pila namin sa pila nila.
"Kelan mo bang nakitang nag exercise yan?" Bulong sakanya ni angela. Bulong yun pero narinig ko pa.
"Ayoko mag mumukan tanga lang ako" Bulong ko sa kanilang dalawa. Nagtawanan naman kami hanggang di namin na malayang tapos na pala. Nauna silang umalis sumunod naman kami. Bago kami pinapasok sa loob pinapila muna kami. Isa isa daw kaming tatawagin para sa seating arrangement. Maya maya lang narinig ko nang tinawag ni maam yung pangalan ko kaya tiningnan ko kung saan ako pwedeng makaupo. Yes! Doon parin ako sa inupuan ko kanina. Umupo ako at may umupo din sa right side ko. Wala kasing pwedeng maupuan sa left side ko bintana na nga diba? Umupo sya at mukang tahimik naman sya. Siguro naman magkakasundo kami nito.