6

29.7K 628 9
                                    


If you are forced to choose between a relationship and a friendship, always choose the friendship. In a good relationship, you wouldn't be forced to choose.

* * * * * *

Freya

NAPALUNOK ako ng ilang beses habang magkahinang ang mga mata namin ni Dr. Saavedra. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito sa isang lalaki. Isang tingin lang niya parang nahahatak na niya ako papunta sa kung saang lugar, at sa bawat pag ngiti niya sa akin, alam kong impiyerno ang kababagsakan ko.

Nakita kong nag-aaway sila ni Francis, isa itong 10-year-old cancer survivor patient. He was now on the highest peak of his tantrums. Ngayon ko lang siya nakitang magwala at magiiyak ng ganito. At dahil iyon kay Dr. Saavedra. Pinakalma ko ang sarili ko at lumapit papunta sa kanila.

Bahala na si Batman.

"Franz, what's wrong?" masuyo kong tanong sa bata pero nagulat na lang ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit at bumalahaw ng iyak. Tinitigan ko ng masama yung bwisit na doktor na ito. He just calmly raised his both hands in surrender and mouthed 'I didn't do anything'.

Ibinalik ko ang atensiyon ko dito sa batang umiiyak habang hinahagod ko ang likod niya para kumalma.

"Shhh, wag ka ng umiyak, sabihin mo sa akin kung ano ang sinabi niya sa'yo?" I whispered.

I'm a pediatric nurse, alam ko kung papaano ang tamang pag papa amo sa katulad ni Francis na aloof sa tao, maybe because he thinks that he is different from the others. Hindi ko din naman siya masisisi, dahil imbes na gugulin niya ang bawat araw niya sa paglalaro, heto siya sa hospital and dealing with his life on punctures, blood transfusions at chemotherapy.

"Tell him nurse Freya, tell him that you are my girlfriend and I'm your boyfriend. Tell him that you would marry me someday pag magaling na ako and it is soon." sabi ni Francis sa pagitan ng pag-hikbi.

Naging kulay kamatis ang buong mukha ko sa sobrang kahihiyan ng lumingon sa paligid, lahat ata sila narinig yung isinigaw nung bata at halos malaglag ang panga ko ng mahagip ko ng tingin si Dr. Saavedra na nakangisi ng nakakaloko.

"A-ahm, F-Francis—"

"He has this goofy smile on his face, at lagi ka niyang tinitignan. I don't like it, bastedin mo na siya nurse Freya pleeease.." pag-mamakaawa ni Francis sa akin na lalo lang nagpapula sa akin sa kahihiyan.

Oh, Lord! Tulungan mo ako sa kinasadalakan kong kahihiyan!

Anu ba ang pinagsasabi kasi nitong doktor na ito sa bata. Masasapok ko talaga siya eh.

"Ah, Francis, hindi ganun iyon. H-he is a good man, he also saves lives. At hindi niya ako kukunin sa iyo, he can also be your friend. Promised." pangako ko sa kanya. Kumawala ito sa pag kakayakap sa akin saka nagpunas ng luha at sipon.

"Promise?" nag-peksman pa ito. Isang matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanya. Napalapit na din ako dito dahil nga sa nakakaawa talaga ang pinagdaanan niya sa loob halos ng sampung buwan na walang humpay na gamutan. Buti na lang at nag remission siya at sana mag tuloy–tuloy na talaga ito.

"Promise!" nag-peksman sign din ako sa kanya. "O, sige na. Mag rest ka na para gumaling ka kaagad. Diba sabi mo iti–treat mo pa ako ng ice cream pag gumaling ka na?" Namilog ang mga mata niya na parang nakarinig ng maganda sa kanyang pandinig.

"Yes! And we will go to the park also!" tuwang–tuwa pa niyang sabi sabay belat nito kay Dr. Saavedra na andito pa rin sa gilid ko. Ginulo ko ang buhok nito saka ko siya inayos sa pagkakahiga bago namin siya iniwan. Anytime dadating na din ang mga parents nito, bumili lang ng pagkain nila.

Naiiling na lang ako na bakas pa din ang mga ngiti sa labi ko ng makita kong nakasunod pa din si Dr. Saavedra sa akin with his eyes full of amusement.

"W-what?" kunot ang noo kong tanong sa kanya.

* * * * * *

Jairus

FREYA was fucking natural.

Yun lang ang pwede kong maitawag sa kanya matapos kong makita kung papaano niya aluhin ang isang nag-bubunghalit sa iyak na bata. The child was still crying, but he was more interested in the fact that he will get a day with a park kasama ang crush niyang nurse. Nakita ko ang kahihiyan sa mukha niya nung ipag-sigawan ng bata na girlfriend siya nito but Freya handled the situation in a flawless manner. And I love seeing her blush.

And then the lightbulb pinged.

Question: why wouldn't you want a swish night out?

Answer: when you were married with a small child.

Automatic akong napatingin sa left ring finger nito. No wedding ring. Either she didn't wear it at work for hygiene reasons, or she wasn't married but was still committed.

Oh cut that crap Jairus! Just claimed that damn date so that you will get over with her!

"What?!" Freya asked me with her brows furrowed. Nag-seryoso ako.

"Thank you for bailing me out there," I mumbled sincerely. She smiled and it was genuine.

"Bakit? Kids worry you," she smirked after she said that at parang nag ririgodon naman ang pintig ng puso ko.

"Was it that obvious? I'm just...I don't have a rapport with them that you clearly do." I said. She chuckled. Again.

"No problem," she said. Nag-wala na naman ang puso ko. Why is she has this very big impact on me?

He cleared his throat.

"I'm sorry. I didn't realize you were—well, married with kids. Of course, you don't want a night out on the town with me. But you won the raffle fair and square, so I'm more than happy to pay for a babysitter as well as the rest of it, so you and your husband can have a night out together." I mumbled but wishing that she will say opposite of it.

Umiling ito.

"I'm not married." sabi niya saka nag-pamulsa sa side pockets ng scrub suit niyang suot.

"Partner, then," I muttered. Tumawa na ito ng malakas.

"Bulok na iyang style mo to get any information, dok." napaawang naman ang bibig ko sa gulat. Am I that obvious?

"I am not married and I don't have kids. It's just part of my job." turan niya sa akin saka niya ako nilagpasan, nagtama pa ang mga braso namin.

Hell, she was back to freezing me again. And I didn't like the way she was looking at me. Parang wala na akong matinong masasabi? Parang ganon ba?

The hell! Na to-torpe ba ako sa kanya?

"Then, if you're free, let's get it over with. Tonight. I'll pick you up at half seven." I finally said aloud na napalingon siya sa akin and all of the employees na nakapalibot sa amin. Pinandilatan niya ako ng mata habang ang iba naman ay tinutukso siya.

I gave her my unbeatable smile na kahit na sino wala pang naka resist and I went out the station without giving her the chance to say NO.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

A/N

Diyaskeng bata!! Naaalala ko dati yung patiente ko noon, ganyang- ganyan.

Waaaaaa!!!! Inspired lang dahil may nag-aabang ng mga updates ko. Ayoko namang ma upset kayo.. weeeee.... buti na lang off ko. #SaudiNationalDay kasi...

Check-out Marco and Cassiedy's story A Love to Last

Ms.Therapeutic*

Medical Batchelor Series 2: Man on Fire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon