19

25.4K 408 11
                                    


Nag dagdag na ako ng mga bagong character sa kuwento. Ewan ko lang kung magugustuhan ninyo. Sana tuloy- tuloy na ang pag taba ng utak ko. Nakaka frustrate yung hindi ka makasulat ng maayos. Na critic na kasi ng minsan ang gawa ko at inaamin kong medyo naapektuhan ako kaya naman talagang pinag bubuti ko ang pag iisip ng magandang kuwento.

Picture ni Dr. Denise Abdon sa side

______

I love that feeling of being in love, the effect of having butterflies when you wake up in the morning. That is special.

- Jennifer Aniston

* * * * * *

Freya

I WOKE up this morning feeling so contented. Habang pinagmamasdan ko ang maamong mukha ni Jairus habang natutulog siya sa tabi ko, his right arm snaked on my waist at yung kanang binti niya na nakadantay sa hita ko. Dinig na dinig ko din how wonderful the sound of his heart beating dahil nakaunan ako sa dibdib niya.

I looked again at his face. No words can describe how handsome he was even in his sleep.

I smiled.

Pakiramdam ko parang eto talaga ang itinadhanang lalaki para sa akin. Nagkaroon din ako ng ibang mga boyfriends sa baryo namin, pero hindi ko naramdaman ang ganito sa kanila—even Denise.

I want to spend the rest of my lifetime with him.

Nakakatakot, oo. Because even though Jairus has been very vocal about his feelings for me alam kong hindi magiging panatag ang kalooban ko kung hindi ko haharapin ang mga kinakatakutan ko.

Hangga't hindi ko gagawin ang dapat, mananatili akong kulang. There is something I should do.

Nag luto muna ako ng almusal namin ni Jairus kinaumagahan para sa pag gising niya may nakahanda ng makakain. Simpleng scrambled eggs, hotdogs at sinangag ang niluto ko para mabilis at isa pa, kailangan ko na ding mag restock sa ref. Kung dati buwan ang inaabot ng mga pagkain ko at supply ngayon, weekly na. Dito na kasi halos kumakain si Jairus.

Wala naman akong reklamo. Mas gusto ko pa ngang ipagluto siya dito sa apartment kesa ang dalhin niya ako sa mga mamahaling restaurant. Pakiramdam ko hindi ako dun nababagay.

Napatili ako ng biglang may yumakap sa akin sa likuran ko at halikan ako sa leeg.

"Jairus! Ano ka ba? Ginulat mo ako!" humarap ako sa kanya at hawak ko ang dibdib ko sa kaba. Kahit kailan talaga ang lakas nitong manggulat.

"Iyan ang parusa mo sa pag iwan sa akin sa kuwarto," he said smiling saka ako binigyan ng malalim na halik. Ilang minuto din kaming ganon at muntik ko na ding makalimutang nagluluto pala ako.

"Wait!" itinulak ko siya para maputol ang pag halik niya sa akin.

"What?" nakita ko naman ang pagtataka sa mukha niya habang taas-baba pareho ang mga dibdib namin sa paghabol ng hininga.

"I-I'm cooking.." sabay taas ng sandok na hawak ko. Umungol ito.

"Puwede bang ikaw na lang ang kainin ko?" nakanguso pa nitong sabi.

"Jairus! Ang baliw mo lang talaga ano?" hinampas ko ang dibdib niya saka hinarap ulit ang nilulutong sinangag. Ipinulupot niya ang mga braso niya sa baywang ko as he rests his face over my shoulder.

Medical Batchelor Series 2: Man on Fire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon