21

24.7K 465 10
                                    


Gagamitin ko ng apportunity ito para banggitin ang mga sumusunod:

@KRISTINapay @DionneMarieQui-Qui
@VONGOLE @sxameii @lacosclyne
@Akosiilmie @sharontaniguchi
@bellegracemarie @Iydvillarin
@AycedeGracia @Marikehn
@JeramieAngelo @unicornofyoureyes
@chihayagirl @babydevon4ever

Salamat sa mga votes niyo!! Naguunahan sa pag tunog ng notifications ko. Sarap pakinggan sa tenga!! Saludo ako sa inyo :)

_____

Enjoy the little things in LIFE...One day you will look back and realize they were the big things.

* * * * * *

Jairus

MATAPOS kong matanggap ang tawag galing kay Noah, I've been uneasy. Dalawang taon na din kaming hindi nagkita. Kapatid siya ni Lexie.

At ni Freya.

Bigla akong kinabahan. Bakit pakiramdam ko may kinalaman si Freya sa biglang pagtawag ni Noah sa akin?

Napahilot ako sa sintido ko ng di oras. Heto ako, suot pa din ang marumi kong scrub suit, nakaupo sa waiting area ng operating room at hindi alam kung tutuloy ba sa pakikipagkita kay Noah.

At si Freya. Alam kong nag hihintay siya sa akin sa apartment niya.

Be man enough Saavedra! The show was over. Face them! Yun lang ang tanging iginigiit ng kunsensya ko. Kung malaman man ni Noah ang totoo about Freya, alam kong matutuwa siya.

Pero ang tanong, matutuwa kaya siya sa malalaman niyang may kinalaman ang mama niya sa lahat ng ito.

Dinala pa rin ako ng mga paa ko dito sa meeting place kung saan sinabi ni Noah. There I find him with Dan and Marco. Naging malapit din sila sa isa't-isa noong mga panahon na iisa lang ang goal naming lahat.

Lexie's happiness.

"Hey! Looked at you?! Lalo kang naging papable ah! Kung hindi lang ako straight malamang mababakla na ako sa'yo." pabirong bati sa akin ni Noah ng tuluyan na akong makalapit sa mesa nila. Andito kami ngayon sa paborito naming bar na lagi naming tinatambayan noon at halatang nakainom na rin siya.

"Miss you too, brother." yun lang ang sinagot ko sa kanya saka niya ako niyakap ng mahigpit and as I tap his back. Pareho na kaming umayos ng upo saka ako humingi sa waiter ng bourbon.

"So. What's new to you, Dr. Saavedra? Balita ko five months ka ng nakabalik and yet you didn't bug me to tell?" may lakip na tampo ang mga tanong ni Noah sa akin. Napansin ko namang tahimik lang din na umiinom sila Dan and Marco.

"They said that you had a big come back. I hated to missed that news from you. Sa sobrang busy kasi sa firm wala na akong time manuod ng mga star bites." Noah said and chuckled. I didn't say a thing, nakatungo lang ako sa baso ko at sige lang sa pag tungga ng inumin ko.

"Hey! I want news coming from you hindi kita inimbitahan dito para ubusin ang bourbon ng bar. It's not like you, Jai. Where was the Saavedra that I used to know?" pasunod pang tanong ni Noah sa akin.

I just stared at him expressionlessly.

"The man that you once knew was gone. I've changed, Noah and..." saka ko ini-straight yung laman ng baso ko. "I have no news for you." Kailangan ko ito. I needed to be drunk para lumakas ang loob ko para sabihin kay Noah ang lahat. I hated his mom pero kaibigan ko din si Noah and it is so damn hard to choose between hatred ang friendship. Kung sasabihin ko kay Noah ang lahat, its either tanggapin niya ito ng maayos o magkagulo.

Medical Batchelor Series 2: Man on Fire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon