Dukha
Ni Mary Lynn O. Apordo
Sumapit na naman ang gabi,
Tila ba ako'y di mapakali,
Di mapakali sa mga nangyayari,
Na nagdulot ng buhay iwaksi
Oo. Iwaksi!
Kasi naman ako'y patuloy na di napipili
Na animo'y nakakadiri,
Na parang ako'y may nakakadiring lahi
Oo, di ako katulad mo
Alam kung mababaw lang isang ako
Na wala akong gamit kagaya ng sayo
At di ako lumaki na may gintong buhay, kagaya mo
Iba nga naman talaga
Kakaiba talaga sa iba
Oo, "unique" ako, ikanga
Pero isa ako sa mga dukha
Dukha nga't di naman ikinakahiya
Di kinakahiya ang estado kong nagbigay saki'y tuwa
Tuwa na may kasamang pighati na tagos hanggang kaluluwa
Kaluluwang nawawala dahil ika'y mapanghusga
Kahit anong kabig ng dibdib at iputok ng aking bibig
Mapa mabuti't masama ay ginagawang isyu at tila'y bukambibig,
Bukambibig di dahil ikaw ay iniibig
Kundi dahil gusto nilang ikaw ay malugnok at itabig
Ganun talaga sa sibilisasyon,
Kaya ilan sa atin pangarap ay hanggang sa imahinasyon
Kasi papunta palang, itinutulak na tayo pabalik ng kahapon
Kahapon dahil angkan nati'y di mayaman kahi't nung panahon pa ng hapon
Sa trabaho, oo isa pa ito
Kung di ka edukado,
Kung galing ka sa paaralang mababa ang ranggo
Halos malalaking kompanya'y di ka gusto
Idagdag pang salitang banyaga'y di kilala
Na kapag alam, sa lipunana'y ika'y malaking isda
Malaking isda kung ika'y marunong nitong magsalita
Na tila ba ika'y isang huwaran at kahanga-hanga
Paano naman kaming walang pinag-aralan,
Walang pinag aralan dahil sa kawalan,
Kawalan ng pera't suporta dulot ng kahirapan
At kahit libre edukasyo'y ang hirap pading makipagsabayan
Oo, napakahirap pag di ka anak mayaman
Kasi napakahirap mag aral kapag tiya'y walang laman
Walang laman kasi pera'y hanggat pamasahi lang naman
At kung ika'y "partimer" pera'y nahahati at binibigay sa pamilyang mas nangangailangan
Kailan kaya tayo'y maging pantay pantay
Na sana kahit anong estados ng ating buhay
Basta ba mabuti sa mundong to'y namumuhay
Bigyan ng kaparehong pagtingin at di hayaang katulad nami'y sa kahirapa'y nakahandusay