ii. mr. varsity's confession

354 15 2
                                    

dedicated kay blankonglops para sa cover. maraming salamat! ~ ♥

---

 Kean's POV

"Kean Mark Gonzalez!" sigaw ng mga babaeng may hawak na tarpaulin at sabay-sabay iwinawagayway ito.

 "BRO, CATCH!" sabay pasa ni Miguel ng bola sa'kin. We need to win.

"GO KEAN! GO KEAN!" sigaw ng mga babae habang dinidriball ko ang bola habang tumatakbo. Pawis na pawis na 'ko. 5 seconds nalang. 

"3"

"2"

"1"

"Para sa'yo, kahit wala ka dito." bulong ko sa sarili ko. Kahit hindi mo 'ko pinapanood.

"Aaaand.. SHOOT!" Naghiwayan ang mga tao. 

"KEAN! KEAN! KEAN!" Sabay-sabay nilang cheer sa akin. Nagawa ko. Nagawa namin!

"Nice shot pare! Galing mo!" sabay apir ni Miguel sa'kin. 

"Salamat bro, salamat. Ano, sige punta muna ako sa locker room. Papalit lang." Hindi parin mawala ang ngiti sa mukha ko.

Habang papunta ako sa locker room, Naalala ko yung kahapon. Siguro naman kilala niyo na si Kim. Yung crush ko. Oo, crush ko siya, may angal, sapak. De biro lang, good boy 'to! At dahil sa'kanya kung bakit kami nanalo. Inspirasyon ko lang naman ang babaeng ayaw akong pansinin. 

  

Crush ko siya mula first year palang kami. Minsan kasi, umuupo siya sa bleachers kapag nag-ppractice ang team namin ng basketball. Minsan, may kasama. Minsan, wala. Habang naglalaro ako noon, nakuha niya ang atensyon ko kasi parang interesadong interesado siya sa practice namin at seryso ang mukha niya habang nanonood. Ang cute niya pala.

Hindi ko maamin na crush ko siya kasi natatakot akong baka sabihin niyang stalker kasi kahit kailan, hindi pa kami nakapag-usap. Sabay, magatatapat ako eh ni hindi ko kayang kausapin siya. 

Isama mo pa 'yung kung sino man 'yung lalaking kasama niya sa canteen kanina. Nakaka-badtrip. May pa-pahid-pahid pa siya sa mukha ng crush ko. Ang sarap bangasan!

Pero syempre joke lang, good boy yata 'to.

Alam kong hindi na uso ang torpe pero shit. Iba siya, iba si Kim. 

Noong pauwi na 'ko kahapon matapos ng practice, may nakita akong phone sa ilalim ng bulletin board. Kinuha ko pero wala akong intensyon nakawin 'yun. Syempre, ilalagay ko 'yun sa lost and found center. Nagbabaka-sakaling malaman kung sino ang may-ari nito, inopen ko ang phone.

Pag bukas ko, kinabahan ako.

 "S-si Kim."

Phone niya 'to? Haha. Ang swerte ko naman. Tama na ang pagpapaka-torpe, bro. Sabi ng konsensya ko. Binuksan ko ang contacts ang nasimulang halughugin ang number niya.

This time, lalakasan ko na ang loob ko. Magtatapat na ko. Tomorrow night. 8:00 pm. Inorasan ko na para hindi na 'ko pumalpak. Baka tamaan nanaman ako ng katorpehan nito eh.

Wala naman sigurong mawawala kapag sinubukan ko diba?

Pero bago 'yon, tingin ko hinahanap niya na 'tong phone niya. Asan na kaya siya? Kung hindi ko man siya makita ngayon, bukas ko na lang 'to ibibigay.

My Secret Texter (Batman)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon