Kim's POV
7:00 p.m
Kakauwi ko lang. Nagpa-load pa kasi ako tsaka medyo ma-traffic eh 30 minutes ang byahe.
Nagpalit muna ako ng damit at nag-dinner saka nahiga sa kama. Hay.
"Maka-GM nga." Nasabi ko sa sarili ko dahil medyo bored na 'ko.
Type.. type.. type.
Sptember 17. Ang araw na kinausap ako ng crush ko.
Unforgettable.
GM.
#LetterKIsForKilig
#September17Sent to many: 7:50 pm.
A minute later..
"Buti napadaanan mo ko ng GM. Ito talaga." Friend 1
"Hi Kim! :) Ikaw ha! Lumalab-layp!" Friend 2
"Wuy. Sino yan? Share share din pag may time!" Friend 3.
"hahahahahah. :))" 'Yan lang nareply ko sakanila. Ayoko ngang i-share sa kanila kung sino si crush. Baka mamaya niyan maging crush pa nila eh. Haha. Joke lang. Kilala ko mga crush niyan.
Natatawa ako sa mga reaksyon nila. Pft.
Maya-maya may nag-text.
From: 090000000+++
Hi! :)
recieved: 8:00 p.m
Unknown Number? Sino naman kaya 'to?
"Sino 'to?" Reply ko.
"Crush Mo." Sabi naman ng mokong. Lakas ng trip. Si Kean lang crush ko. Loyal ako kaya tumigil ka.
"Seryoso. Di ako nakikipagbiruan. Sino nga to!?" OA ba? Sorry naman. Hate ko lang kasi talaga mga ganitong tao. Mga walang magawa! Ang lakas lang mang-trip.
"Hulaan mo. :))" Sabi niya. Hindi ako manghuhula. Tss.
Pero, sige na nga. Masyado naman yata akong high blood. Pagbibigayan ko muna tong mokong na 'to.
"Freddie?" Tanong ko. Si Freddie, yung aso ng kapitbahay namin. Haha. Trip pala ha. O sige sasakyan ko ang trip niya.
"Ewan." Sabi naman niya. Pero sabagay, bakit naman siya o-oo eh, aso 'yun. Hala, marunong na mag-text si Freddie? Nyaha.
"Boy ka ba o girl?" tanong ko ulet.
"boy"
"Maniwala? GIRL KA EH!" Pang-aasar ko. Baka kasi si Priscillah lang 'to. Best friend ko.
"Boy nga 'to." Sabi naman niya. Naaasar na yata. Haha.
"WEH. GIRL KA!"
"Boy nga sabi. Magiging crush ba kita kung girl ako?"
Crush? Huh? Isa 'tong revelation! Wala pang nagtatapat sa akin ever. Siya palang yung first! Sino ba 'to? Baka naman nanti-trip parin? Pero nacu-curious na 'ko, nakakainis!
"What?" I replied.
"Look Kim, may ipagtatapat ako sayo. Crush kita since first year palang tayo. I never had the courage to talk to you 'cause I'm too scared that you won't like me back. And now, nasabi ko rin ang feelings ko sayo. Kim, Hindi mo ba pansin? Sabagay, paano mo nga ba ako mapapansin eh mukhang close na close na kayo ni FREDDIE?"
What? HAHAHAHA. Freddie? Sinong Freddie? Yung aso ng kapitbahay namin? WAHAHAHA. Pero infairness, ang effort niyang magtype ha.
"Huh? Sinong Freddie. Isa lang ang kilala kong Freddie. Yung aso ng kapitbahay namin. lol." Reply ko. Loko.
"Yung kasama mo sa canteen nung isang araw?" Reply niya.
"Si Bryan yon. Naki-upo lang siya. Wala na kasing ibang bakanteng upuan sa canteen eh." Sabi ko naman. Ano namang mali sa naki-upo lang? Psh. Baliw talaga. Teka, stalker ba 'to?
"Ah. I thought kayo na. Good thing hindi pa ko late." Ano daw? Kami na? Ni Bryan? Nagpapatawa ba siya? Tsaka, hindi late? Saan? I don't get him.
"What? Di kita gets. Teka, SINO KA BA TALAGA?"

BINABASA MO ANG
My Secret Texter (Batman)
Storie d'amoreKalagitnaan ng isang nakakakilig na gabi, nag-gm ako. Ngunit may kakaibang nangyari. Or should I say, kakaibang taong nag-ngangalang batman ang biglang nag-text at nanghinigi ng ligaw? Medyo talkshit.