iv. his answer

444 27 49
                                    

"Kim, pwedeng manligaw?"

 recieved: 8:30 pm

"Ha?" 

sent: 8:32 pm

Gago ba siya? Sino ba 'to? Parang adik. I don't know him but I have this feeling na kilala ko 'to. Parang, kilala ko talaga siya. Ang weird sa feeling. Hindi ko maintindihan.

Ever since, wala namang nagkakacrush sakin kasi 'di naman ako kagandahan o kapansin-pansin. Wala rin naman akong nababalitaang may nagkakacrush sakin. Tapos ngayon, court daw? Liligawan niya 'ko? 

"Wait, Sino ka ba talaga?" tanong ko. Kaba kaba din habang nag-ta-type. Hindi ko rin alam kung bakit ako kinakabahan. 

"Sasabihin ko lang kung sino ako, kung sasagutin mo yung tanong ko."  Sabi naman niya.

Gago nga. Sino bang baliw ang papayag na magpaligaw sa isang taong ni hindi niya kilala? Pa'no kung kidnapper pala 'to at may balak na kunin ang mga lamang loob ko? Shocks. 

 

"Sasagutin ko lang yung tanong mo kung sasabihin mo kung sino ka." Reply ko.

Makalipas ang ilang minuti, hindi parin siya nagrereply. Naghintay ako. Nakahiga lang ako sa higaan ko habang nakatingin sa bubong.

"Baka nga nang-ttrip lang." Bumuntong hininga ako. Akala ko, totoo na. Na may nagkakagusto na nga sa'kin. Nag-eexpect yata ako masyado. Hindi ko man siya kilala, umasa akong kahit papano ay may makakapansin sa'kin.

Biglang nag-vibrate ang phone ko. Parang lumukso ang puso ko. Ayokong tumingin sa phone ko, ayoko.

In the end, syempre kakailanganin at kakailanganin ko paring tingnan ang phone ko. So, no choice.

Kabadong-kabado kong tiningnan ang phone ko.

"Kim ako 'to. Si BATMAN."

Leche.

"Tigilan mo na 'ko kung pinagloloko mo lang ako." Reply ko. Nilagay ko ang phone ko sa dibdib ko at bumuntong hininga. Sheez. Weird guy.

Nag-vibrate ulit ang phone ko. Hindi ko inaasahan 'yun. Kala ko kasi, titigil na.

"Sorry Kim. Kean 'to."

My Secret Texter (Batman)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon