Chapter 8. Partner?

50 2 0
                                    

Riley's POV.

"Anong problema ni Claire at parang di yata nagmamaldita ngayon?"-Natatawang bulong saken ni Max habang naglalakad kame papunta na sa Supreme's dormitory!

Buhat nilang lima yung mga maleta namen at mga maleta nila.

Sinamaan ko sya ng tingin.

Kung di nya lang buhat ngayon ang maleta ko nako psh!

"Masama daw pakiramdam tol"-Sagot naman sakanya ni Tyrone na nasa tabi nya.

"Hindi ko alam na mas chismoso pa pala ang mga lalaki kesa saming mga babae!"-Nakangising pang aalaska ni Mia kay Tyrone.

"Halaaaa? babae ka pala Mia?"-Di namin napigilan ang pagtawa ng biglang sabihin ni Nash yan!

"Pfft! raulo ka talaga Nash. Hahahahaha!"-Tawang tawa namang sabi ni Ellie pero napahinto din agad ng tingnan sya ng masama ni Mia.

Ganun din naman kami.
Anim kaming nahuhuli sa pag lalakad samantalang si Claire, Wade, Blaire at Nigel naman nasa harapan namen!

Tumahimik nalang kami pero pinipigilan pa din namin ang matawa!

"Tantado ka talaga pre. minsan ka nalang magsalita dahil palagi kang tulog, nambabadtrip ka pa. tsk tsk!"-Iiling iling na sabi naman ni Tyrone.

Maya maya naman ay nakarating na din kami sa Supreme's Dormitory!

"Ang sabi ni Headmaster sa Office daw muna tayo ni Madam Lopez pumunta. para daw maregister na tayo as a Supreme."-Seryosong sabi ni Nigel ng makarating na kami sa loob ng Dorm.

Maraming studyanteng nagtitinginan at nagbubulungan sa paligid.

"What are you looking at? ngayon lang kayo nakakita ng maganda?"-Natawa ako nang biglang sigawan ni Claire yung mga studyanteng nakatingin samen.

Kaya naman nag iwasan din sila ng tingin!

Kabaliktaran nang sa Neophyte's, purong puti naman ang makikita mo dito sa loob.

Mas malaki at mas maganda din sya kung titingnan!

Siguro kase, mas priority nila ang mga Supreme's dahil mas mataas ang antas nito kumpara sa Neophyte's.

"Audrey!"-Napalingon kami sa lalaking tumawag kay Claire.

Si Sean!

"Samahan ko na kayo sa office ni Madam!"-Nakangiting sabi nya kaya tumango naman si Claire.

Nagkatinginan muna silang dalawa ni Wade bago nagsimulang maglakad!

Ang haba lang talaga ng buhok ng bebe namen oh? Hahahaha :D

"Ri ano? mag papaiwan ka jan?"-Taas kilay na tanong saken ni Blaire kaya iniripan ko din sya at nagsimula na ngang maglakad!

**

Ellie's POV.

We're here na sa office ni Madam Lopez.

Si Sean umalis naman agad pagkahatid nya samen dito!

He's gonna do something pa daw kase.

"Congratulations to all of you! First time in the history na may mga studyanteng nakalipat dito agad within a week lang! So Congrats students!"-Nakangiting pagbati nito sa amin!

"Thankyou po!"-Sagot naming lahat!

"Okay so now, fill up this form and you may leave. Ang SSC officers na ang bahalang magsabi sa inyo ng Rules and Regulations dito sa Dorm. Sila na din ang maghahatid sa inyo sa mga rooms nyo!"-We just nod atsaka nag fill up na nga ng form!

Flair AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon