Chapter 14. City Square!

22 2 0
                                    

CLAIRE'S POV.

Sunday morning at kanina pa kami paikot ikot dito sa City Square dahil sa kaartehan ng mga loka loka kong kaibigan.

Kanina pa kami ikot ng ikot para mamili pero hanggang ngayon hindi pa sila tapos.

Ghaaad! sobrang sakit na nang paa ko haaaa?

(>_____<)

"Balak nyo bang bilhin ang lahat ng paninda dito?"-Taas kilay kong tanong sakanila na mga mukhang tangang pinapahaba ang mga leeg para maghanap pa ng mga bibilhin nila.

"Oops, sounds like, someone's getting bored hahaha!"-Gusto kong batukan si Ellie dahil sa sinabi nyang yan.

"Getting bored? 4hours na nating iniikot tong buong City square for pete's sake Ellie. And swear ang sarap nang ituktok sayo ng heels ko!"-Mataray na sigaw ko naman sakanya atsaka sya inirapan.

Napanguso naman ulit si Ellie.

hay nako ah, tigil tigilan nya lang ako sa pag p-pout nyang yan at mainit na ang ulo ko.

"Tama na nga yan. kumaen na muna tayo, it's almost lunch na din naman!"-Awat naman samin ni Mia.

"Thank god naisip mo yan!"-Inirapan lang din ako ni Mia at nauna na ngang mag punta sa isang fast food resto.

"Sabi ko naman kasi sayo wag ka nang mag heels twin. ayan tuloy ang napala mo!"-Pangaral naman ng kambal ko na tinaasan ako ng kilay.

"Malay ko bang balak nyo palang mag walk trip at libutin tong buong City Square?"-Mataray na depensa ko naman sa sarili ko.

Ang magaganda di dapat nagpapatalo.

"Hay nako bebe Claire. pag bigyan mo na nga lang ang mga yan at misan lang naman tayo makapunta dito!"-Inirapan ko nalang si Riley sa sinabi nya at sumunod na kay Mia.

"A table for 5 people pleas--"

"Uy Claire, dito na kayo samin!"

Napatingin kaming lima sa tumawag sa akin.

Sila Tyrone pala.

"Hey sup, what are you doing here?"-Tanong ni Riley na binara naman agad ni Max.

"Syempre kakain Ri, ano bang ginagawa sa Fast food resto?"-Natatawang pang iinis nito kay Riley na inirapan lang sya at umupo na nga kami.

Pumunta naman nang Counter sila Mia,Blaire at Ellie para umorder.

"Malay ko bang costumer ka pala dito? mukha ka kasing Janitor na naupo lang kasi napagod!"-Nagtawanan naman kaming lahat sa pambawing asar ni Riley sakanya.

"Hahahaha ano ka ngayon pre?"-Pang aasar ni Nash at Nigel sakanya.

"Mang iinis pa kasi eh hahaha!"-Gatong naman ni Tyrone kaya napasimangot nanaman si Max na nakapag patawa samin.

"Sige pagtulungan nyo ko!"-Nakasimagot nyang reklamo.

Napailing nalang ako atsaka nagtanong.

"Kulang kayo ah? nasan Captain nyo?"-Tanong ko sakanila dahilan para mapangisi sila at tingnan ako ng nakakaloko.

tss. alam ko na mga iniisip ng mga to eh, manunukso nanaman yang mga yan panigurado tss! (-_-)

"Bakit Claire miss mo na? wag kang mag aalala umorder lang naman sagli--Aww!"-Nagulat nalang kami ng may bumatok kay Nigel mula sa likod nya kaya di nya na natuloy yung sasabihin nya.

Flair AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon