Chapter 19. Monthly Evaluation!

9 2 0
                                    


---

Nandito kaming mag babarkada sa cafeteria at kasalukuyang nag b-breakfast dahil hindi na nagawang makapag luto nila Mia.

Mamayang after lunch na kasi ang Monthly evaluation namin kaya todo todo talaga ang ginagawa nilang pagkain ngayon habang ako ay prenteng prente lang ang pagkakaupo habang magandang sumusubo nang Chocolate cake ko.

Ayoko ngang mahirapan sa performance mamaya kaya ayokong mag heavy meal.

"Are you sure yan lang ang kakainin mo bebe Claire?"-Mataman kong tiningnan si Ellie na nasa harapan ko.

Napangiwi pa ako nang makita ang napaka raming pagkain sa tapat nya.

"Tsk. Isn't it obvious?"-Sagot ko lang na ikinanguso nya.

Gustuhin ko mang sitahin sila sa ginagawa nilang paglamon ay pinili ko nalang na manahimik. Dahil bukod sa masakit ang ulo ko dahil late na nga akong nakatulog kagabe ay nakakatamad ding magsalita!

Kasalanan na nila kapag nawalan sila nang boses sa malalamig na iniinom nila ngayon.

Napapa iling naman si Mia nang tiningnan nya nang nagmamabilis pang kumain sila Blaire, Ellie at Riley. "Hoy, tigilan nyo na nga ang pagkain dyan. Ayaw nyo naman sigurong mapaos sa oras nang Performance mamaya?"-Pangaral nya sa mga ito kaya sabay sabay silang napahinto sa pag subo.

"Hayaan mo sila para sabay sabay silang bumagsak!"-Pang aasar ko pa.

Natawa nalang ako nang samaan ako nang tingin nung tatlo. Haha!

"Omg oo nga. I don't want to eat na!"-Napa irap nalang ako sa kawalan dahil sa kaartehan ni Blaire.

Mabilis namang kumuha si Riley nang tissue at nag punas sa bibig. "Gosh. Kinakabahan kasi ako eh, nahawa tuloy ako sa inyong dalawa!"

Tiningnan naman sya nang masama ni Ellie. "At talagang kami pa ang sinisi mo Riley-girl? Eh mas marami nga yung inorder mo samin no. Ginugutom ka ba ni Xander?"

"Shut up and don't mention that Jerk's name!"-Sigaw ni Riley dito.

Napangisi naman si Ellie, "Ohhh, I smell something LQ, HAHA!"

Sinamaan lang sya ni Riley nang tingin pero hindi na sumagot. Ilang minuto lang din ay umalis na kami don at pumunta muna sa Rehearsal room namin.

Madami kaming naabutang studyanteng nag p-practice don. Mukhang wala pa yung pinaka sikat na dalawang grupo nang school na to.

Pumunta kami sa pinaka likod at doon nag Indian sit.

Nag uusap usap ang mga kaibigan ko habang nag w-warm up naman ako. Pero sabay sabay kaming napahinto nang biglang magkumpulan ang ilan sa mga studyante sa harapan namin.

"Karaoke Machine? Ayun nanaman ang gagawing Standard ni Producer Shin sa scoring nya?"-Sabi nang babaeng maikli ang buhok.

"I don't know either. Lagi naman kasing nandun sa AVR (Audio Visual Room) yon every year nang Monthly Evaluation diba?"-Sagot naman sakanya nang babaeng Curly hair ang buhok.

Napahinto lang sila sa pag uusap usap nang biglang tumabi sakanila si Ellie at Blaire Kaya nanlaki ang mata ko sa gulat.

"What Karaoke Machine? Yung literal ba na pang Videoke ganon?"-Tanong ni Ellie sakanila.

Flair AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon