Kabanata 2

5 0 0
                                    

Tumingin ako sa orasang bilog, mag alas onse na pala. Tiningnan niya rin ang mga katrabaho na kanya kanya na ng ayos ng kanilang mga gamit, handa na sa pag uwi.

Sigurado tulog na si Lily pag uwi ko. Kinuha ko lang ang bag ko sa locker at humanda na sa pag-alis.

"Oh, Snow nandito ka pa pala..sabay kana saken pauwi nako. Sabi ni Stella sa akin, nakaakbay sa kanya ang nobyo nito na si Brixx.

Ngumti lang ako sa kanya ng tipid. Mukha namang may pupuntahan pa silang dalawa at ayoko maka-istorbo.

"Hindi na stella,nagpatawag nako ng taxi..may pupuntahan pa yata kayo ni Brixx.

Ngumiti sa kanya ang nobyo nito.
Nagkamot si stella ng noo, na ay ngumibit ng ngiti sa kanya.

"Oo eh, pero pwede naman na idaan ka muna namin hanggang sa sakayan.

Tumangi  pa rin ako. Nung sinabi ko na nasa labas na ang taxi ay pumayag na din ito.Humalik lang ito sa aking pisngi at umalis na.

Nang makaalis na ang mga ito ay naglakad lakad na ako. Hindi naman kasi totoo na kumuha ako ng taxi. Sa totoo lang ay wala na ako pera pamasahe para don. Lalakarin ko nalang hanggang sa terminal ng jeep. Medyo malapit na naman yon dito.

Inayos ko ang jacket na suot ko.Masyado ng malamig ngayon dahil disyembre na, dama na ang simoy ng pasko. Iniisip ko kung ako magandang regalo kay Lily. Last year dress ang binigay ko sa kanya.

Subalit nung isang araw ay nagsabi sya saken na gusto niya makapunta sa enchanted kingdom. Bilang bata pa,ay gusto ko na experience niya ang mga bagay na di ko na nagawa.

Nang mapadpad ako sa madilim na eskinita ay nakaramdam ako na parang may sumusunod sa akin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko!

Bakit kasi hindi pa ako sumabay kina stella! Nadagdagan pa ang kaba ko ng maalala ang balita na napanood ko nung isang araw. Rape victim!

Halos mapasigaw ako ng may lalakeng nagsalita sa likod ko.

"Hi Miss butiful! Naliligaw kaba? B-baka gusto mo samahan kita papunta langit!

Halos mangilabot ako ng hawakan nito ang siko ko. Naamoy ko din ang baho ng hininga nito! Lord help me!

Tatakbo na dapat ako ng may isa pang lalake na lumbas mula sa.madilim na eskinita.

"Taena! Ang kinis niyan bebong! Tiba- tiba tayo dito ke Ms .butiful! -  sabi ng isa pa na malaki ang tyan.

"Lumayo kayo! Wag nyo ko sasaktan! Pera ba gusto niyo! Eto yung bag ko! Kaya lang 100 na lang laman niyan! "Nanginginig na sagot ko sa dalawang lalake na mukhang lulong sa pinagbabawal na gamot.

Mapula ang mga mata ng mga ito at amoy na amoy ako ang mabahong alak na nagmumula sa mga ito.

Sabay naman na tumawa ng nakakatakot ang dalawa!.

"H-hindi naman kailangan ang pera mo ganda! Ikaw! Yang katawan mo sapat na!
Sabay hablot nito sa siko ko. Ramdam ko sa balat ko ang higpit ng kapit ng mga ito.

Katapusan ko na ba? Paano na si Liliy? Sino na mag-aalaga sa kanya ? Hindi ganitong katapusan ang gusto ko!

Nagpupumilit ako na makawala sa dalawang hayok na hayok sa laman. Naiiyak na din ako sa takot.

Hahalikan na ako ng lalake na malaking tyan, pinikit ko ang mata ko na punong puno ng luha..subalit bago pa man ito makalapit ay may humila na dito palayo saken.

Sumiksi ako sa gilid ng pader sa takot. Nakita ko ang isang lalake na nakikipagsuntukan sa dalawang manyak! Sa Nanlalabo kong paningin ay nakita ko kung paano nito napatumba ang dalawa.

Alam ko na ligtas na ako!
Bago ko pa mabuka ang bibig ko para magpasalamat ay binalot na ako ng kadiliman...

******

"Boss san po naten sya dadalhin."

Kumunot ang noo ko sa tanong ng driver ko. Oo nga pala, nasa loob pa ng sasakyan ko ang babae kanina na pinag fi-fiestahan ng dalawang adik.

"Gisingin mo at pababain." maikling sagot ko sa kanya.

Hindi na ito nagulat sa sinabi ko. Nag-aalinlangan pa ito sa sinabi ko , pero lumapit na sa babaeng nasa back seat. Sa sobrang takot ay nahimatay Ito kanina.

"Miss.. Gising..Miss. Naririnig ko na salita ni Edgar.

Pinikit ko lang ang mata ko. Gusto ko na magpahinga, sunod na sunod ang problema na dumating ngayong araw na ito.

"Hmm.. wag po! Wag po!

" Naku miss. Kalma ka lang, ligtas kana." narinig ko sabi ni edgar sa babae. Hindi ko sila pinansin at nakapikit lang.

"Maraming salamat po kuya sa pag ligtas saken." narinig ko sagot ng babae.

I smirked. I am the one who save your pretty ass Miss.

"Ah hindi po ako naglitas sa inyo Miss.
Si Sir-----

" pababain mo na sya edgar, gusto ko na umuwi. Pagputol ko sa sasabihin ni edgar. Sapat ng tinulungan ko sya.

"Mister! Kung hindi man kalabisan..pwede ba pahatid ako kahit sa harap ng bahay lang namin? Malayo pa kasi dito yon..b-baka...bakaaa...

"Lumingon ako dito at nagtama ang paningin namin.Shit! Bakit parang may tumadyak sa dibdib ko ng makita ang tumutulong luha sa kanyang mga mata.

Hindi ko napansin kanina, she has a fair skin. Sobrang puti na para ng Snow white. her eyes is sparkling with tears.  Para ako nahihipnotismo sa kanyang pagtingin.

Fuck! Hold your horse Man! Babae lang yan! I clear my throat and focus on the road.

" Natulungan kana namin Miss. Bumaba kana, at sa susunod wag kang tanga na dadaan sa madilim na eskinita sa ganitong oras." Madiin na sagot ko sa kanya.

"Ano ako Tanga? Hoy Mister! Para sabihin ko sayo hindi ako tanga! Hindi ko naman kasalan na wala na ako pera pang taxi! Grabe ka makapagsalita saken! Palibhasa mayaman ka at may ganito ka kagandang sasakyan! - mahabang sagot niya. When i look at her in the front mirror, namumula ang mukha nito sa inis.

Yung babae na ang sarap iligtas kanina ay para ng tigre sa galit ngayon saken.  I am amused looking at her. Mas gumaganda sya pag galit.- tangina! What the hell?! Ano ba ito sinasabi ko!

"Edgar call a Grab. Dun mo na sya pasakayin." walang emosyon na sabi ko.

"And..ikaw sa halip na magalit ka, just say thank you. --- bumaba kana. Utos ko pa ulit.

Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya sa inis.

"Antipatiko! Sigaw nito sabay baba sa sasakyan ko.

Nang makababa sya at makitang masama ng tingin sa sasakyan ko ay hindi ko mapigilan na mapangiti.

Woman.tsk.

Trapped in the pastWhere stories live. Discover now