3- Bro

55 1 1
                                    

"Ayeisha! Sama ka samin?" may tumawag na  babae sa likod ko, nagulat ako bigla pero I compose myself.

Nag-ring na yung lunch bell at dapat bibili na din ako sa cafeteria. Pero naalala kong may pinabaon sakin si nanay ng ensaymada saka Milo.

Tapos na ako kumain.

Oo, ang bilis ko noh?

Kulang pa nga eh

Nag-nod nalang ako sa kanilang dalawa ni Da... (nakalimutan ko!) at hinigpitan hawak ko sa handkerchief kong baby pink. Baka mawala ko eh.

"Pasyal ka namin sa school" nag-smile yung isa, si Juliet ata pangalan niya. Medyo makakalimutin na ako maygad.

Nag-nod ulit ako at sumabay sa kanila paglabas ng classroom at papunta sa mga hallway na may pwede silang masasabi sakin tungkol doon.

Napansin ko ang babait nila at masasayahin pa, type ko to!

By type, I mean of friends. Oryt?

"Tapos dito yung bulletin board, Pwed-"

Di natuloy ni Darlene (naalala ko na) yung sentence niya kasi may isang lalaking matangkad na tumakbo sa harap naming apat. Ay, anng disrespectful naman ng mga guys dito.

Pero nang makita ko yung mukha ng lalaki.

Di na akong magdadalawang isip disrespectful na to since birth.

"Ba't ka nandito?!" sabi niya sakin.

Hay Hay Hay, Hello Wilbur.

Siya ang pinakanakakainis na lalaki sa buong compound namin, siya ata yug nagpapasimuno ng mga pangasar sakin ng mga ka-tropa niya eh. Siya kasi leader.

Noong baby palang kami magkakakilala, ang mga naaalala ko diyan sa mukha na yan ang mga cute na smile at tawa. Hindi nakakasukang simangot at mukha ng chimpanzee na kakatapos lang mangulangot.

"Bakit, masama?" tanong ko sa kanya.

Ngayon, nagiba na yung promise namin sa isa't isa na best friends poreber kami.

Hanggang sa mameet niya ibang boys at mga katropa na niya ngayon sa ibang street. And tuluyan na niya akong iniwan.

Ang drama.

"Oo naman, bawal panget at pulubi dito" lumapit siya sakin. Yung dalawa nasa tabi lang nakatingin saming argumento sa harap nila. Get the popcorn!

"Ah eh kala ko ba pets are not allowed inside?"

"Di naman ako hayop ah, may salamin ka na nga di ka pa makakita"

"Anong hindi hayop? Ikaw yung nakita kong unggoy na nawawala sa isang poster kahapon eh!"

"Ang corny mo. Isip bata p-"

Di na siya nakatapos kasi biglang may nanghihingal na lalaki sa hallwayna nilabasan niya kanina lang.

"HUY!" tumayo siya, Hello Leo "Tama na! Bata pa yan eh. Ikaw talaga pumapatol sa babae" nag-jogging siya papunta kay Wilbur at tinulak siya ng onti si braso.

"Bahala ka dyan! La naman akong pake sa kanya eh!" sabi ni Wilbur aka Dong (tawag sakanya sa compound namin), at tumakbo na papunta sa hallway kanina.

Tinignan ko likod niya ng masama at inayos handkerchief ko. Buti di to lumipad  papunta sa kanya, ay scratch that. Yung sapatos ko pa pala.

"Hey, okay ka lang?" lumapit si Kuya Leo sakin.

Si Kuya Leo naman ang kambal ni Dong, talagang magkamukhang kamukha sila pero sa ugali total opposites.

Parang big bro ko na din si Kuya Leo, pero sometimes sobra sobra na pagaalaga niya pati pag tabingi socks ko pinapaayos niya.

Minsan nakakainis na eh.

"Di naman niya ako sinaktan eh" I told him habang nakatingin parin sa direction kung saan pumunta si Dong.

"Just making sure, baka mamaya" sabi niya "Alam mo pwede ko siyang pagsabihan pero ang kulit kulit nun eh an-"

"Okay lang ako" pag-cut off ko sa kanya "Sige na po, baka  ma-late kami sa next class" tinuro ko sina Juliet.

"Ah. S-Sige. Ako din eh, hahaha. Actually, ka-kanina pa. Hehehe, sige babye little sister!" sabi niya sakin, ako naman hinatak mga kamay nina Juliet at Darlene all the way to the hallway saka papasok ng classroom namin. Buti naaalala ko pa.

Nang makaupo na kami sa upuan naming tatlo, humarap si Darlene sakin.

"Parang ang hard mo naman kay Kuya?"

"Psh, noon pa kami nagaasaran nun"

"No, I meant the other one. Kuya Leo." sabi niya. Ako naman humarap sa kanya, si Juliet lumapit saamin.

"Binebaby kasi niya ako lagi eh. Nakakainis na minsan" sagot ko sa  kanya.

"Oh okay." tumango nalang siya at bumalik sa harap. Si Juliet din, any second now dadating  na next teacher.

Panira talaga ng best first day eh.

ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon