Mister Antipatiko,bakit ba ang kulit mo?
Umaga hanggang gabi ako'y binubulabog mo.
Hindi ka na ba nagsawa sa panggugulo sa buhay ko?
Kahit sa eskwelahan,ako'y hinahanap mo?Umaga hanggang gabi,pangalan ko'y iyong bukang bibig.
Bakit ako pa,ang dami namang tao sa daigdig?
"Kamusta Miss Ganda!"
Bati mo kaya araw ko'y sira na.Ika'y aking inirapan tsaka tinalikuran.
Ngunit di ko namalayang hinawakan mo ang aking pulsuhan.
Ako'y nag-init,"Lalake ano ba'ng problema mo?!"
"Teka lang Miss Ganda,ba't ba ang init ng ulo mo?"
![](https://img.wattpad.com/cover/166782967-288-k36411.jpg)
YOU ARE READING
Mister Antipatiko [Unspoken Poetry]
Teen Fiction"Ikaw si Mr.Antipatiko,ako si Ms. Ganda. Hindi man tayo ang nakatadhana para sa isa't isa, Nais ko lang sabihin na, Mahal na mahal na mahal kita" -Ms.Ganda