Chapter 2

44 3 0
                                    

Chapter 2: What if I fall?

Agad akong napabalikwas sa kama ng marinig ko ang sunud-sunod na tunog ng alarm clock ko. Muntik pa akong mahulog sa kama dahil sa pagmamadali ko. Inabot ko na lang 'yong alarm ko at tiningnan kung anong oras na.

"What the hell?" Agad na nanlaki ang mata ko nang makitang 7:00 o'clock na. Nasapo ko pa ang noo ko bago nagmadaling umalis ng kama at tumakbo papunta sa banyo.

Bakit sa lahat ng pwede kong kalimutan ay iyon pa? Ilang minuto lang rin ang itinagal ko sa banyo at agad rin akong lumabas para magbihis.

Ilang beses rin akong muntik-muntikan ng madapa. Kung bakit ba kasi late na akong nagising. Agad ko rin kinuha ang malaking bag ko kung saan nakalagay ang mga gamit ko. Nang matapos kong i-suot ang high heels ko ay agad ko rin sinukbit ang bag ko at lumabas ng kwarto.

Sinuklay-suklay ko pa ang basa kong buhok gamit ang daliri ko. Hindi na rin ako nag-abala pang kumain ng almusal dahil male-late na talaga ako.

Nang tingnan ko naman ang oras ay mas lalo akong nataranta. Kailangan bago mag eight ay nando'n na ako. Bwisit naman oh!

Agad akong pumara ng taxi papunta sa hintayan ng bus. Inabot ko na lang din ang bayad kay manong nang makarating na ako sa dapat kong puntahan.

Halos takbuhin ko na ang pagitan ng kalsada at ang pwesto ng bus. Mas lalo pa akong nataranta ng magsimula na itong umandar.

Ni wala na akong pakialam kahit pa madapa ako dahil sa taas ng takong ng sapatos ko. Mas binilisan ko pa ang takbo ko para maka-abot ngunit hindi naman ito humihinto.

"Hoy! Sandali. Hintayin niyo ako!" Sumigaw na ako ng sobrang lakas ngunit hindi man lang huminto ang bus.

"Hintay! Hoy, sanda-li l-la-ng," kusa na rin akong napahinto sa pagtakbo nang makaramdam ako ng pagod. Hinihingal rin akong napaupo sa kalsada dahil sa panlalambot ng tuhod ko.

Ngayon ay nagsisisi na akong nagsuot ako ng ganitong kataas na takong. Damn! Hindi na ako umabot.

"Ahm, miss? Kasama ka rin ba sa bus na iyon?" Agad naman na nangunot ang noo ko bago nag-angat ng tingin.

"O-oo, sana---Ikaw?!" Agad na nanlaki ang mata ko at napakurap kurap pa ako ng mapagtanto ko kung sino ang nasa harap ko. Nakita ko rin na nagulat siya ng makita ang mukha ko.

"Teka, ikaw 'yong babae sa Enchanted kingdom, 'di ba?" nakangising sabi niya kaya agad ko naman siyang sinamaan ng tingin. Kahit na nanghihina pa rin ang tuhod ko ay pinilit kong tumayo.

Ayoko ngang magmukhang kawawa sa harap ng bwisit na lalaking 'to! Ano bang ginagawa niya dito?

"Ayos ka lang? Mukhang nahihirapan ka sa mga dala mo. Gusto mo bang ako na ang magdala nyan?" Nagtaas naman ako ng kilay sabay irap sa kanya.

"Anong tingin mo sakin, mahina? No thanks. Hindi ko kailangan ng tulong mo," mataray na sabi ko ngunit mas lalo lang lumawak ang ngiti niya.

Ano bang meron sa akin at napapangiti pa siya, hah? Nababaliw na talaga ang isang 'to.

"Hanggang dito ba naman ay susungitan mo pa rin ako? Ako na nga itong gustong tumulong pero tinatanggihan mo,"

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya at sa sobrang inis ko ay agad kong ibinato sa kanya ang bag ko.

"Oh, ayan! Ikaw ang magdala, bahala kang mabigatan sa bag ko!" mataray na sabi ko pero tinawanan lang naman nya ang sinabi ko.

Chasing Ms. UnromanticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon