Despite Of All The Pain

42 2 2
                                    

"I'm so sorry Stanley," naiiyak na sabi ni Leira. "We have been so long, pero tingin ko kailangan muna natin ng space. You have no time for me, lagi na lang tayo nag-aaway.. walana tayong bagay na napagkasunduan.. di naman tayo ganito dati huh? Bakit ngayon? Ano na ba ito Stan?".

Masakit para kay leira ang kanyang mga binibitawang salita. Parang tinatarak ng kutsilyo ang kanyang dibdib. Kanina napag isip-isip niya na subukan niya muna itong sabihin sa kasintahan. Gusto niya lang muna makasiguro sa pagmamahal sa kanya ng lalaki. Kasi pakiramdam niya habang patagal sila ng patagal lalo lang sila nanlalamig sa isat-isa. Hindi naman niya talaga makipaghiwalay kay Stanley, Alam niya sa kanyang sarili na hindi niya iyon kayang gawin. Mahal na mahal niya iyon, ang gusto lamang niya ay maramdaman kung mahal pa ba siya nito at kung kaya ba niya makipaghiwalay sa kanya.

"Bakit!? Tingin mo ba ito na ang tamang paraan to make us silent?". Maigting na sagot ng binata. "You know what Leira? Hirap sayo, you can't understand! Puro ka na lang hinala, selos at galit! Kaya tayo nag-aaway! Why don't you try to understand? Baka sakaling kahit sandali manahimik tayo!". Galit na sagot ng binata.

Matiim na tinitigan ni Leira ang binata.

"Ah.. Ganoon ba? You know what!? Walang babaeng tatagal sa ugali mong yan! Just be true to yourself. Just admit na may iba ka na, alam mo hindi naman ako magagalit eh.. ang akin lang sabihin mo, wag mo nang iparamdam!". Saad ng dalaga habang may ngiting nang-uuyam sa kaharap.

"Edi sige, tutal nasabi mo na yata lahat ng gusto mong iparating sa akin. Iyan ba ang gusto mo? Edi maghiwalay! Pagod na din ako. Sawang sawa na ako sayo! Paulit-ulit na lang tayo,"

Halos mapa nganga si Leira sa naging desisyon ni Stanley. Madalas na silang mag-away pero ni minsan hindi siya nagawang ganituhin ng kasintahan. Hindi niya naman inaasahan ang ganito eh.. may gusto lamang siyang maramdaman. Hindi mag sink-in sa utak niya ang binitawan na huling salita ng lalaki.

Sawa na siya? Pagod na siya? Bakit ganoon?

Ang sakit. Ang sakit sakit nito para sa kanya. Pero dahil sa sobrang pagmamahal, nanaig pa din sa kanya ang maayos ito.

Akmang tatalikod na sana ang binata nang bigla niya itong yakapin sa likod.

"No babe, I'm sorry.. paranoid lang ako siguro. Pero nagbibiro ka lang naman diba,? Please, sorry ayusin natin ito." Nagmamaka-awang sabi ng dalaga.

" Leira, Please tigilan mo na ito pwede? Gusto ko nang makapag-pahinga! Pahinga mula sa pkikipag-relasyon! Lalo na sa'yo. Sagot ng binata sabay talikod at tuluyan ng umalis.

Despite Of All The PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon