CHAPTER SIX (Liam)
LIAM
"Yes Hello Sir, ahh.. yeah, i'm sorry.. no no no.. i almost forgot it sir. Hehe, well anyway, i'll make it up to you. Let's re-schedule it later pwede ba? I forgot to tell Mae to log it. That's why hindi ko nasingit for today's appoinments. No, of course not. Hehe kayo pa sir... yup. Later. 3pm if that's okay with you? Okay. Thank you. Bye,"
Kausap ko ngayon ang isa sa mga potential client ng kompanya namin. Nakalimutan ko ipa-log sa sekretarya ko yung usapan namin dapat ni Sir Buenavista today. Buti na lang tinawagan niya ako ulit. Biruin mo ang client pa ang nag-reremind.tss.. buti na lang mabait yun at malawak ang pang-unawa, kung iba pa yun baka nasabon na ako. Hays. Daming work di ko na alam ang uunahin. Si Dad kasi ako pa pinahawak dito. Well, wala akong choice this is part of my job.
Anyway, Ako nga pala si Liam Kalvin Gonzales, CEO ng Kompanya na pagmamay-ari ng pamilya namin. Ako na ang namamahala sa ibang mga bagay sa kompanya kapag wala si Dad. Sa dami ng work ay hindi ko na alam paano i-handle ang sarili kong lakad at oras ko sa kompanya. Kaka-stress. Grr. Ang hirap pala maging anak ng isa sa mga Bussiness Icon sa Pilipinas. Daming pressure lalo na sa'kin kasi ako ang tagapag-mana bukod sa kapatid kong isa. Dahil ako ay lalaki,ako talaga ang susunod sa yapak ng aking mga ninuno. Oo. NiNUNO.
Mabait naman ang Daddy ko. Kahit kelan ay hindi niya ako dinukdok na mamahala sa kompanyang pinag-hirapan niyang palaguin. Pero dahil daw sa anak niya kami ay imposible daw na ni isa sa'min ay walang mag-mamana sa pagiging Bussiness-minded niya. Meron at meron daw na lalabas sa'min ng kapatid ko na magiging tagapag-mana daw ng kompanya at balang araw siya ang magpapatuloy nun pag wala na siya. Hindi naman ako nagtaka na bata pa lang ako ay may namumuo nang interes sa'kin about sa negosyo. Kaya nga tingin ko ako yung tinutukoy ni papa.
Malaki ang tiwala at pagmamahal na binibigay samin ni Mommy and Daddy sa'min ng kapatid ko. Pantay lang kami. Wala silang pinapaburan. Aminin ko naman na lumaki talaga kaming may respeto at dangal dahil na rin siguro sa gabay nila sa'min. Kaya nga ni minsan di ko sila binigyan ng sama ng loob. I love them as much as they do. Kaya nga bilang ganti na lang ay tinutulungan ko si dad to manage our bussiness. Wala rin naman akong choice eh.. Dahil ang kapatid ko ay bata pa lang mahilig na sa Modelling. Kaya alam ko magka-iba kami ng gusto sa buhay.
Kakatapos ko lang sa pangatlong appoinments ko ngayong araw. Mamaya kakausapin ko si Dad pag-uwi ko sa bahay. Kailangan naming makapag meeting regarding clients.
Bakit ganon. Pakiramdam ko parang paulit-ulit na lang ang buhay ko. Aminado ako hanggang ngayon masakit pa rin sa'kin ang pagkawala ni Catherine. My Fiancee. She died 2 years ago because of Plane Crash. Flight Attendant siya at kasama siya sa mga unsurvived victim. Napakasakit ng Pangyayaring yon sa buhay ko. Na hinihiling ko ay panaginip lamang yun at gisingin na ako. Pero hindi. Dahil habang dumaan ang mga araw na wala siya sa tabi ko ay dinudurog ang puso ko at minumulat sa'kin na wala na siya. Bawat araw, oras, o kahit segundo lang ng mga sandaling yun ay tila parang dekada na sa'kin. Ang sakit.
Catherine is my first girlfriend. My first love. My first everything. Highschool pa lang kami ay girlfriend ko na siya. Sabay kaming bumuo ng pangarap, nangako na forever na kami. Pero lahat ng iyon ninakaw ng isang aksidente lang. Life's so unfair. Bakit siya pa. 2 years ago na pero sariwa pa rin sa'kin ang lahat ng memories namin together. Yung mukha niya, yung mga lambing niya. Yung mga tawa niya. God knows how i miss her.
"Cath, Please help me how to be happy again. Magpakita ka naman sa'kin kahit sa panaginip lang cath. Turuan mo'ko maging masaya ulit, mula ng mawala ka parang wala ng katuturan ang mga ginagawa ko,"sabi ko sa sarili ko habang tumutulo ang mga luha ko.
Pinahid ko na ang mga luhang nagmarka sa pisngi ko. Tinititigan ko ang picture ni kath sa table ko. Miss na miss ko na talaga siya. Pero i know i need to go on with my life. That's why ito ang ginagawa ko. Pero anong magagawa ko di'ba? I still love her. How i wish na hindi na lang siya nawala. Sana kasama ko siya ngayon. Na kahit hirap na hirap na ako ay may inspirasyon pa rin ako at may nagpapasaya sa'kin..
**************
Hello, this is Author Mhegumi again! Guys. Pa-vote naman po ;) comment lang din please kung ano pa pwede kong mabago at idagdag. This Chapter introduced Liam Kalvin Gonzales. Sana basahin niyo pa. Abangan ang Character niya dito. Thank you so much! ;)
BINABASA MO ANG
Despite Of All The Pain
RomanceBetrayal. isa yan sa mga dahilan kung bakit tayo nasasaktan ng iba. Minahal natin ng totoo, lolokohin lang din pala tayo. Pero hindi ba bawat isa may dahilan kung bakit niya iyon nagawa?. Kapag nagmahal ka, you need to take a risk. parang sugal.. TR...