CHAPTER SEVEN (The Incidence)
ONE YEAR LATER.
.
***Leira***
Nagulat ako ng tumunog ang alarm clock ko. Inalarm ko talaga ng mas maaga dahil gusto ko prepared ako ng maayos para sa presentation ko mamaya. Report ko kasi mamaya kaya gusto ko mas maaga pumasok for my preparation. Well, na-promote na po kasi ako as General Manager. Deserve ko naman siguro itong position na ito. I know naman na nagsikap ako. Sa puyat, pagod, dugo't utak ko ang pinuhunan ko kaya alam ko masaya ako na binigay sa'kin ni Sir ang Promotion na ito. Thanks to him. And syempre thanks ng madami kay God.
At dahil nga promoted ako as GM, syempre mas doble ang trabaho. Hindi naman sa Doble, I mean mas medyo humirap lang kasi mas mataas ka na at hawak mo na din ang mga kapwa mo empleyado right,? Anyway, mag-aayos na ako baka ma-late pa ako. Maya-maya ay umalis na din ako.
Di nagtagal ang biyahe ko ay nakarating na ko sa parking lot ng Hotel. Pinark ko lang saglit ang kotse ko. Naglakad na ako papuntang elevator. Pasakay na sana ako ng elevator ng biglang banggain ako ng isang lalaki.
"Ouch. What do you think you're doing Mister? Ang lawak lawak ng daan. Gosh,"pagtataray ko.
Buti na lang maagap niya akong nahawakan kundi lagpak ako sa floor. Nagtaka naman ako ng di man lang siya nagsasalita. Nakatulala lang siya sa'kin. Gosh. Baliw ba'to? Infairness ang gwapong baliw naman nito.
"A-ah-ah... So-sorry Miss. Hindi ko sinasadya. Nasaktan ka ba? Sorry tumunog kasi phone ko kaya bigla kong kinuha. Kaya di kita napansin. Sorry talaga ha," paumanhin niya.
"I hope next time mag-ingat ka na. Sige Bye,"mabilis akong tumalikod at sumakay sa elevator.
"Ah.. Miss! Miss!.." tawag niya.
Di ko na pinansin ang mga tawag niya. Nagmamadali na ako. Tsaka di ko na rin naman kailangan pang kausapin yun eh.. para saan pa. Baka magpa-cute lang yun sa'kin. Pero grabe ang lakas niya. Muntikan na talaga akong tumilapon sa sahig buti na lang talaga may Presence of mind ang lalaking yun at nahawakan niya agad ako. Tinarayan ko nga. Kainis eh. Pero bakit ba ako nagagalit. Malamang di rin ako nakatingin sa paligid ko. Kasi kung nakita ko siya edi sana umiwas ako di'ba? Hay naku Lei.. minsan shunga ka din eh.. Ayaw mo pa pahalata. Tinarayan mo pa. Pasalamat ka Gentleman yun. Well, tama ka. Di man lang siya nagyabang no. Instead tinulungan niya pa ako para di ako malagpak sa sahig. Aynako! Bakit ko ba iniisip yun.. Concentrate muna ako sa report ko mamaya na yun. Gagalingan ko para ma-impress si Mr. President lalo sa'kin.
***Liam***
Nandito ako ngayon sa Galaxy Hotel. One of the Five Star Hotel dito sa Pilipinas. May Appointment ako ngayon sa President dahil kami ang Napili nila para sa pagpapalit nila ng mga bagong Furnitures and aside from that for Glassware Materials. Kung di niyo natatanong. SL Line at AKG Glassware International ay pagmamay-ari ng Pamilya namin. Kami ang isa sa mga Company na nage-export ng mga Magagandang Furnitures at Glassware sa ibat-ibang bansa. At syempre, dahil sa magaganda at ma-kalidad ang mga Product namin, marami na kaming Clients dito sa Pilipinas. Especially yung mga may Hotel Bussiness.
May Appoinment ako sa May-ari ng Hotel na ito. May Meeting kami regarding sa renovation na gagawin nila. Medyo matagal-tagal pa naman pero kailangan ito ng maayos at siguradong usapan, dahil hindi biro ang halaga ng bawat muwebles na bibilhin nila sa'min. Kailangan ito ay planado. At malinis ang usapan. Kasama ko ngayon ang Secretary ko para sa Meeting mamaya. Bumaba ako saglit para kunin lang ang ibang papeles ko na naiwan sa kotse ko. Pati ang Personal Laptop ko.
Kakalabas ko lang ng elevator papuntang parking lot ng biglang may tumawag lang sa'kin. Medyo binilisan ko na ang lakad ko nang biglang mabangga ko ang isang babae. Nasaktan siya alam ko base pa lang sa reaction niya. Ngunit ang ikinabigla ko ay ang kanyang Mukha. Halos magkamukha sila ni Catherine.. malaki talaga ang pagkakahawig niya sa dati kong nobya.
BINABASA MO ANG
Despite Of All The Pain
RomanceBetrayal. isa yan sa mga dahilan kung bakit tayo nasasaktan ng iba. Minahal natin ng totoo, lolokohin lang din pala tayo. Pero hindi ba bawat isa may dahilan kung bakit niya iyon nagawa?. Kapag nagmahal ka, you need to take a risk. parang sugal.. TR...