Kabanata 24

2.6K 107 3
                                    


Chevy Niara

"Hindi tayo mag-aair ship?" tanong ko rito ng makarating kami sa sasakyan namin papunta sa may lagusan daw papuntang mortal world

"Chevy , Mayayaman lang ang pwedeng makasakay doon alam mo ba kung magkano ang bayad sa pag-sakay roon?" I medyo galit nitong saad kaya napairap ako at tinanggap ang kamay niya para makatungtong sa kabayo muntik pa ako matumba dahil sa paggalaw ng kabayo buti na lang at hawak ako ni Aleister

Tatawagin ko na siyang aleister since alam ko na ang pangalan niya

Inayos ko ang pagkakaupo ko sa harapan ng kabayo actually parang sa napapanood ko sa tv yung paprinsesa ang peg nakagilid akong nakupo tapos si prince yung nagmamaneho ng kabayo ang cute lang kaya lang si Aleister kasama ko e. -_-

Hinampas niya na ang tali kaya biglang tumakbo ang kabayo ayaw ko man napayakap ako kay Aleister at napapikit

Teka hindi ako nag-eenjoy sa pagyakap sakanya sadyang takot lamang ako dahil ito ang unang beses ko makasakay ng kabayo tsaka pakiramdam ko tatalbog ako pahulog sa kabayo

"Chevy , Pwedeng wag mahigpit ang yakap?" naiilang na tanong ni aleister hindi ako nagmulat pero mas lalo lang ako yumakap sakanya

"Inutil! Paano kung malaglag ako no! kailangan makasigurado ko na hindi ako malalag rito!" sigaw ko habang yakap yakap siya nakagat ko pa ang labi ko dahil ang bango niya ah! di joke lang nakagat ko labi ko dahil ramdam ko talaga malalaglag ako anytime

"Bahala ka nga" saad nito at naramdam ko ang pagbilis ng takbo ohmygosh! Mas lalo ata ako natakot magmulat ng mata next time nga mag-aaral ako sumakay ng kabayo para kapag yung future husband ko niyaya ako magkabayo mukang romantic kami kapag ganito

Hindi ko alam kung ilang oras kaming ganon hindi ako nagsasalita wala din ako balak baka kasi mainis lang ako kay Aleister dahil baka mapunta ang usapan namin sa nangyari sa kaharian at kung ano pa masabi ko

Speaking of.... Bakit kaya ako inofferan ng lalaking ito na tuparin ang kahilingan ko kahit di naman niya ginawa

"By the way aleister, Bakit nga pala ako napili--- i mean bakit mo ako tinulungan? Bakit nag-offer ka saakin na tutuparin mo mga kahilingan ko?" tanong ko rito habang nakapikit at ninanamnam ang bango este habang nagtataka "Lalo na bawal ang mortal sa mundong ito tulad ng sabi mo at nila? So bakit ako?" dugtong kong tanong narinig ko nanaman ang pagbuntong hininga nito

"Pwedeng wag sagutin?" tanong nito kaya napamulat ako at tiningala ang lalaki habang nakatingin ito sa may daanan

"Joke ka ba? Karapatan ko malaman ang dahilan so, kaylangan mo sagutin or else----"

"Ipagkakalat mo na prinsipe ako ng dark kingdom? Okay okay fine" medyo inis nitong saad "Wala lang ikaw lang kas nakita ko sa labas ng lagusan e." sagot nito kaya tiningnan ko ito masama seryoso ba ito? Ganon lng? Sa mga napapanood ko kapag napupunta sa ganitong sitwasyon ang bida i mean napupunta sa mga magical world ay dahil espisyal ito

Like nawawalang prinsesa , may malakas na kapangyarihan or something na espisyal sakanya

"Seryoso ba? Wala bang espisyal saakin?" tanong ko at ngumuso tsaka yumuko akala ko naman espisyal ako kainis

"Kailangan ko lang talaga ng tao na magiging espiya ko sa loob ng kaharian pero nagkamali ako" bigla tuloy tumaas ang kilay ko sa sinabi nito

Anong ibig sabihin nitong nagkamali? Nagkamali siya na piliin ko tsk. Ewan bahala ang importante ay makakauwi na ako saamin

FANTASIA WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon